^

Pang Movies

Special treatment... Aktor, sa bahay ng kaibigan binakunahan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Special treatment... Aktor, sa bahay ng kaibigan binakunahan!
Matteo at Sarah

Aww may special treatment pala ang isang aktor nang bakunahan ito days ago.

Ang request diumano nito ay sa isang bahay sa Greenhills siya turukan ng pangontra sa COVID-19. At pinagbigyan naman daw.

Sosyal siya ha samantalang lahat halos ng mas mga sikat pa sa kanya ay nagpunta sa mga vaccination site para ma-orient at magkaroon ng coverage na rin para mag-ayang magpabakuna ang mas marami pa, kung may available na bakuna.

Anyway, speaking of bakuna, kahapon ay nagpaturok na rin ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. “Sarah and I are done with our 1st dose! Let’s do this not just for ourselves but for our families, friends and kababayans! Get vaccinated!,” post ni Matteo.

Alden, wish na makilala na ang kanyang special someone 

Inamin ni Alden Richards na isa sa mga gusto niyang ma-achieve ngayong 2021 ay ang makilala ang kanyang special someone.

Ito ang ibinahagi ni Alden sa kanyang guesting  sa Sarap, ‘Di Ba? kung saan sumabak sila ni Cassy Legaspi sa isang masayang kuwentuhan at titigan challenge.

“Build my own house, do an international project, at saka find that someone,” saad ni Alden.

Samantala, ipinaliwanag din ni Alden kung bakit gaming ang kanyang paboritong ‘me time’ activity.

Aniya, “’Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ‘yung nagde-detach sa akin sa showbiz world.”

Speaking of gaming, mahilig din sa games at technology ang gagampanang role ni Alden sa much-awaited GMA series na The World Between Us  kung saan makakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

Taliwas sa kaniyang ‘good boy’ roles before, kakaibang Alden daw ang mapapanood sa serye. “’Yung role ko rito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay, kaya lang may unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits,” kuwento ni Alden.

Abangan ang The World Between Us simula July 5 na sa GMA Telebabad.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with