^

Pang Movies

Gerald at Julia, wala nang iniilagan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gerald at Julia, wala nang iniilagan
Gerald at Julia

Magmula nang aminin ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang kanilang relasyon ni Julia Barretto sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda last March, hindi na itinatago ng dalawa ang kanilang mga lakad na magkasama.

Last weekend, magkasama ang magkasintahang Gerald at Julia na nagpabakuna.

Si Gerald ay nanatili sa bakuran ng ABS-CBN habang si Julia ay lumipat sa Viva Artists Agency kung saan siya ngayon nagti-taping para sa kanyang kauna-unahang TV series under Viva na mapapanood sa TV5 o Kapatid network. Ito ay ang Di Na Muli na pinagtatambalan nila for the first time ni Marco Gumabao na nagmula rin sa Star Magic ng ABS-CBN bago ito lumipat sa pangangalaga ng Viva.

Si Gerald naman ay isa sa dalawang leading men ni Yam Concepcion sa top-rating primetime drama series na Init Sa Magdamag kung saan din kasama si JM de Guzman as the other leading man.

Wala na ngayong iniilagan ang magdyowa.

John Lloyd at Bea, bitin pa ang pagiging Kapuso

Unti-unti nang lumilinaw ang pagiging Kapuso ng dating prized actors ng ABS-CBN na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Although wala pang official announcement na nagmumula sa GMA management, sigurado na ang paggawa ng TV sitcom ng comebacking actor na si John Lloyd at posibleng magkaroon din siya ng isang TV series o pelikula sa GMA Pictures na pinamumunuan naman ni Annette Gozon-Valdes.

Si John Lloyd ay nakipagpulong na sa dalawang bosses ng GMA na sina Annette at Joey Abacan kung saan din kasama ni JLC ang actor-comedian-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz na siya umanong magdidirek ng weekly sitcom na pagtatambalan umano nina JLC at Kapuso actress at ex-girlfriend ni Derek Ramsay na si Andrea Torres. Hindi pa man nagkikita ang dalawa ay excited na umano si Andrea na makatrabaho si JLC kung totoo ngang silang dalawa ang magsasama sa sitcom which will be co-produced ng GMA at WBR Productions ni Willie Revillame.

Since wala na rin sa bakuran ng Star Magic at ABS-CBN si Bea Alonzo na nakatakdang gumawa ng pelikula opposite Alden Richards under GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment, posible rin ang balik-tambalan nila ni JLC hindi lamang sa pelikula kundi maging sa isang teleserye.

Ang screen tandem nina JLC at Bea ay isa sa pinaka-successful hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with