^

Pang Movies

Rico kayang ­pakasalan si Maris

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rico kayang ­pakasalan si Maris
Rico

Twenty-five years ang age gap sa pagitan ng Pinoy rock icon, ang singer, composer at record producer  na si Rico Blanco (48) at ang ex-Pinoy Big Brother housemate-turned singer-songwriter at actress na si Maris Racal (23) na ex-girlfriend ng binatang anak ni Piolo Pascual, ang singer-songwriter at actor na si Inigo Pascual, pero hindi issue sa dalawa ang kanilang edad dahil ang importante ay mahal nila ang isa’t isa at nagkakaintindihan at nagsusuportahan sila lalupa’t iisa ang kanilang passion – musika.

It was last May 31, 2021 nang kumpirmahin ni Maris ang relasyon nila ni Rico na unang na-link noong 2003 up to 2005 kay KC Concepcion, ang kaisa-isang anak ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Although 48 na si Rico, he has never been engaged to anyone at never din siyang ikinasal kahit kanino kaya kung nanaisin nitong pakasalan balang araw ang young star na si Maris, it will be his first.

Samantala, magmula nang aminin ni Maris ang relasyon nila ni Rico ay naging open na ang dalawa in public. Kamakailan lamang ay sabay na nagpa-vaccine ang dalawa.

Direk Darryl, naging in demand sa pandemya

Walang alinlangan na ang out-of-the-box young writer-director na si Darryl Yap ang pinaka-in demand among the active movie directors sa kasalukuyan who is now filming his 11th movie sa bakuran ng Viva Films, ang sex-comedy movie na 69+1 na tinatampukan nina Janno Gibbs, Maui Taylor at Rose Van Gingkel.

Masayang ibinalita ni Direk Darryl na hit umano ang pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na pinagbibidahan ng magkasintahang Kim Molina and Jerald Napoles which he wrote and directed.

Direk Darryl started writing and directing for Viva in 2019 nang ipagkatiwala sa kanya ang launching movie ni Kim Molina in 2019 na Jowable. Naging malaking hit sa takilya ang nasabing pelikula kaya naging-sunud-sunod ang kanyang film projects sa bakuran ng Viva.

In 2020, ipinalabas ang pelikulang Sakristan at pagpasok ng taong 2021 ay sunud-sunod na ang mga pelikulang ginagawa at ipinapalabas na gawa mismo ng batang director. 

Tapos na rin niyang gawin ang KIKIKI at naghihintay na lamang ng playdate habang sisimulan naman niya sa buwan ng July ang pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati ang Puso.

Neil, malapit nang maging tatay

Malapit nang maging ganap na ama ang commercial model-turned actor na si Neil Coleta kapag isinilang ng kanyang girlfriend na si Jasmin Chinnel, dancer ng Wowowin ni Willie Revillame ang kanilang magigiging unang supling na isang girl.

Since ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo are two of the closest friends in showbiz ni Neil, malamang na kunin niya ang dalawa para maging godparents ng kanilang magiging baby ni Jasmin.

vuukle comment

RICO BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with