^

Pang Movies

Thia, umaming pinagpalit ang Miss World sa Yaya…

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Thia, umaming pinagpalit ang Miss World sa Yaya�
Thia

Hindi pa naman pala sa ayaw nang mag-join ng international beauty contest ni Thia Thomalla matapos niyang manalo noon ng Miss Eco International 2018. Like this year, balak pala niyang mag-join muli ng Miss World Philippines, pero mas pinili niyang ituloy ang role niya sa First Yaya bilang si PSG Val.

“Nang tawagan nila ako kung itutuloy ko raw ang pag-join sa Miss World Philippines 2021, naka-lock-in taping na kami ng First Yaya,” kuwento ni Thia. 

“Naisip ko parang sayang naman ang pinaghirapan kong training bilang member ng Presidential Special Group (PSG) ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), kaya nag-decide akong hindi na tumuloy sa pageant. Tama ang decision ko kasi nag-enjoy naman ako sa role ko, naiiba than sa mga roles na nagampanan ko na. Nag-enjoy din ako sa lock-in taping namin, kasi para lamang kaming nagbabakasyon at naging friends mo ang lahat sa cast, kasi kayu-kayo lamang ang halos laging magkakasama sa eksena. Puwede pa naman akong mag-join ng ibang beauty contest kung gusto ko.”

Nasa last three weeks na lamang ang First Yaya na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Julie Anne, dedma na sa pagli-link sa kanila ni Alden

Tinatawanan na lamang ni Julie Anne San Jose ang hindi mamatay-matay na issue na may away daw sila ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, na nagsimula pa noong bago pa lamang silang nagkakasama sa mga noontime Sunday shows ng GMA Network. 

Nakakatawa nga naman dahil ngayon every Sunday ay magkasama sila ni Alden sa All-Out Sundays at madalas silang magka-partner sa segments ng show.

Like this Sunday, June 13, gagawin sa All-Out Sundays ang special episode para sa coming celebration ng 71st anniversary ng GMA Network, at pangungunahan ito ng Kapuso prized artists like Dingdong, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Alden, Dennis Trillo, Lovi Poe, Carla Abellana, Tom Rodriguez, AiAi delas Alas, Eugene Domingo, Julie and Michael V. 

Ipakikilala rin nila ang mga upcoming new Kapuso shows.

vuukle comment

THIA THOMALLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with