^

Pang Movies

Sanya handang sumubok sa pageantry

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Noon pa ay marami na ang nakapansin na pang-beauty queen ang dating ni Sanya Lopez kaya marami talaga ang humihimok sa kanya ever since na pumasok sa pageant world.

In fact, minsan nang nagsalita si Pia Wurtzbach na willing siyang i-train si Sanya if ever na mag-decide ito na sumali sa beauty pageant.

Muli na namang nabuhay ang issue ngayon dahil marami ang nagsasabi na kahawig niya si Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo.

Sa latest interview ni Sanya sa GMA-7, naikuwento nga niyang nagkita na raw sila minsan at nagkagulatan nga raw sila dahil nga sa similarities nila.

“Nagkita kami nu’n kaya kami nagkagulatan nu’n. Parang ‘uy!” Iisa reaksyon namin,” sey ni Sanya.

“As in, pareho kaming nakatitig lang sa isa’t isa. Tapos du’n pa lang kami nag-hi-hello,” tsika pa ni Sanya.

“Sabi ko, ‘ikaw si Rabiya, di ba?’ Sabi niya, ‘yes po, Miss Sanya Lopez’ gumanu’n siya. Sabi ko, ‘hi and congratulations.’ Sabi niya, ang dami nga raw nagsasabi sa amin na magkamukha kami. Kaya parang siya ang nagulat din nu’ng nagkita kami,” kwento pa ng bida ng First Yaya.

Tungkol sa pagsali sa beauty pageant, hindi naman ikinakaila ni Sanya na gusto niya ring i-explore ang mundong ito.

“Actually, gusto ko rin namang i-explore ‘yung part na ‘yun, ‘yung pagiging beauty queen. Kaya lang talaga, sabi ko, sa ngayon na maganda ‘yung ibinibigay sa akin ng GMA Network, marami akong projects na ginagawa sa ngayon dahil sa GMA, eh talagang ang hirap iwanan po talaga,” aniya.

Pero bukas naman daw ang kanyang pintuan para rito. “So, sabi ko kapag naman pinalad tayo, of course at du’n talaga tayo papunta, eh tingnan natin, di ba?” sey ng dalaga.

Ang nakakatuwa, may mga episodes sa First Yaya na para silang nagso-showdown ng co-star at isa ring beauty queen na si Maxine Medina.

May episode na nagpatalbugan sila sa swimsuit at evening gown kaya sey ng televiewers pwedeng-pwede talagang maging beauty queen si Yaya Melody (karakter ni Sanya sa First Yaya).

Heart, problemado sa niknik bites

Namumroblema si Heart Evangelista ngayon sa niknik bites na aniya ay padami nang padami.

“Bwesit ang niknik bites . Wth bat siya dumadami nakaka panic,” tweet ni Heart.

May nagtanong kung ano ang niknik bites at may nag-post naman ng info tungkol dito at kung paano ito gamutin.

Ayon sa posted material, ang niknik ay “group of tiny insects also known as gnats, sand flies, or sand mites.” Makati ito pag nakakagat at masahol pa sa lamok dahil tumatagal ang kati nito for weeks.

Muling nag-tweet si Heart at aniya ay panic mode na siya.

“Normal people : niknik bites -sus Wala yan. Overthinkers(me): autoimmune na toh . Panic mode . Bakit ka dumarami!!” tweet ng aktres.

Marami naman ang sumagot na nakaka-relate sila kay Heart dahil may mga niknik bites din sila at sobrang kati nga raw. Ang iba’y nagpayo ng gamot na dapat ipahid at may nagsabi ring patingin siya sa dermatologist.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with