^

Pang Movies

Glaiza, simple ang magiging kasal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pansamantala munang iniwan ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang Baler, Quezon, at bumalik sa bahay nila sa Quezon City, para simulan na niya ang pagpaplano ng wedding nila ng fiancé niyang si Irish surfer David Rainey. Matatandaang naganap ang engagement nila ni David nang sa Ireland siya nagpalipas ng Christmas 2020. Natuwa ang fans ni Glaiza nang i-post niya ang prenup photo nila ni David sa Ireland.

Isa sa wedding suppliers na ka-meeting ni Glaiza ang Nice Print Photo na siyang nag-post sa kanilang Instagram. Noon pang bumalik si Glaiza from Ireland dapat ginanap ang wedding planning pero tinapos munang gawin ng aktres ang upcoming GMA Afternoon Prime series niyang Nagbabagang Luha with Rayver Cruz.

Wala pa namang sinabi si Glaiza kung kailan ang wedding nila ni David, maliban sa magiging simple lamang ang kasal nila ng fiancé na nakilala niya noong 2018 sa Siargao. Pero minsan ay nabanggit na rin ni Glaiza na dito muna sa Pilipinas sila magpapakasal at saka naman sa Ireland kung saan sila magha-honeymoon.

Rhian, pahinga muna

Tuluyan nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa Tutok To Win na napapanood Mondays to Fridays. Actually, dalawa silang co-hosts noon ni Willie, si AiAi delas Alas, na nauna nang nagpaalam dahil pupunta naman ng Las Vegas para bisitahin nila ng asawang si Gerald Sibayan ang mga anak niya roon. May balitang pupunta si Rhian ng Paris para sa isang pictorial pero itinanggi ito ni Rhian, magpapahinga daw lamang siya dahil nagkasunud-sunod ang work niya.

Pagkatapos kasi ng lock-in taping nila ng nagtapos nang GMA Telebabad na Love of My Life, naging regular siyang performer sa All-Out Sundays at kasabay nito ang pagku-co-host sa Tutok To Win with Willie and AiAi. Nanghihinayang man si Willie sa pag-alis ni Rhian, na nagustuhan ng netizens ang pagho-host sa show, at napaka-professional pa raw dahil maaga pa ay nasa studio na, pero hindi niya pinigilan ang actress.

Pagbalik ni Rhian mula sa bakasyon niya, sisimulan naman niya ang bago niyang GMA Afternoon drama series na Artikulo 247, a crime drama series na makakasama niya sina Jackie Rice, Mark Herras at Benjamin Alves. Bale reunion project ito nina Rhian, Jackie at Mark na dati nang nagkasama sa mga naunang projects nila sa GMA.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with