^

Pang Movies

Dating aktor, iniwan ng pamilya dahil sa pag-aadik

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Grabe, Salve A., hindi nga raw siguro akalain ng isang dating kilalang aktor na ang minsang pagtikim niya ng bawal na gamot dala ng pangangantyaw ng ilang kaibigan, ay mauuwi sa kanyang pagiging addict.

No wonder that before long, hindi lang siya, kumbaga, nawala sa kanyang sarili. Pati showbiz career niya naglaho na rin.

To top it all, dahil hindi na mawari ng kanyang pamilya ang kanyang pag-uugali, iniwanan siya ng mga ito.

Yes, his equally pretty at popular wife, plus apat nilang anak.

Na pawang babae pa naman.

Bela, idinirek si Ivana

Guess who Bela Padilla will direct in a short film?

Sexy actress Ivana Alawi, that’s who.

It is daw a music video, featuring the song, Paraluman.

The video will soon be on sale sa mga high end na video stores.

Known previously as an actress, who turned film producer, then screenwriter and TV host, nami-miss daw si Bela ng kanyang mga tagahanga, both sa big and small screen.

Bela will soon leave the country to reunite with her Turkish boyfriend, well in Turkey.

Ivana, grabeng mag-ayuda

A popular vlogger, now a YouTuber, too, Ivana is known sa pagiging generous to a fault.

Kahit walang dahilan, namimigay siya ng ayuda.

Minsan nga, nakita siyang sakay ng kanyang kotse, nag-aabot ng tulong, (pera, ha) sa mga tambay na nadadaanan niya.

Bagama’t Pilipina ang kanyang ina, Ivana was born in Morocco, as her dad is Moroccan.

Magaling magluto ang kanyang ina, who is with her in the country. Kaya, nasa food business din silang mag-ina.

But how true na malaki raw ang minana ni Ivana at ng tatlo niyang kapatid sa kanilang Moroccan father?

Korina, na-miss ng mga tagahanga

Muli nga bang mapapanood sa Kapamilya Channel ang programa ni Korina Sanchez na Rated Korina?

Well, mapapanood din daw ang programa sa A2Z.

If addicted ka sa mga programa ng Kapa­milya, mami-miss mo si Korina, somehow, as for a time, sa TV5 lang napapanood ang Rated Korina.

Well, sa kasalukuyan, napapanood na sa TV5 ang mga programa ng Kapamilya.

Samantala, three years old na ang kambal nila ng asawang si Mar Roxas, sina Pepe at Pilar sa pamamagitan ng gestational surrogacy.

Pokwang at Katrina, bibida sa serye

Sure na ang pagiging Kapuso ni Pokwang, as she is scheduled na to co-star with GMA talent Katrina Halili in an upcoming series of the network.

Two other Kapamilya talents with her in the yet to be titled project are Beauty Gonzalez at Ejay Falcon.

Need daw ni Pokwang magtrabaho as she has a small daughter pa whose American dad has no permanent job.

Maganda raw, kung sabagay, ang trabaho ng elder child niyang si Ria Mae (Subong), who works as a chef sa isang kilalang plush restaurant sa BGC (Bonifacio Global City).

Isang Japanese naman ang diumano’y father ni Ria Mae.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with