^

Pang Movies

John Lloyd, hindi na nakakasama ang anak kay Ellen!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nakaka-touch ang post ni John Lloyd Cruz tungkol sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Sa kanyang Instagram Story ay nag-post ang aktor ng larawan niya at nilagyan ng caption na “I miss u anak.”

We’re wondering tuloy kung hindi ba niya nakikita ang anak niya lately at kung gaano ba kadalas ang schedule ng pagkikita nila.

Kung titingnan kasi ang IG ni Ellen, makikita rito na lagi nga niyang kasama ang anak lately. In one video ay makikita pang naglalarong magkasama si Elias at anak ni Derek Ramsay na si Austin na in fairness, ang cute tingnan.

Anyway, nasabi naman ni Ellen in her past interviews na co-parenting sila ni Lloydie kay Elias at hindi naman daw absent father ang aktor which means lagi itong present bilang ama.

Susan, bakunado na rin

Nabakunahan na rin kontra COVID-19 ang veteran actress at itinuturing na Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.

Ang kaisa-isa niyang anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares ang nag-anunsyo nito sa kanyang Instagram page.

Nag-post si Sen. Grace ng larawan ng ina na nasa vaccination center at sa taas ay nakalagay na “proud to be vaccinated.”

Ruru, tinalbugan ng buwaya ang TF

“Highest paid actor” kung ituring ang dambuhalang buwaya na bibida kasama ni Ruru Madrid sa upcoming adventure series ng GMA na Lolong.

Sa sobrang laki kasi ng 22-feet na buwaya na gaganap bilang si Dakila sa serye, 14 katao ang kinakailangan upang mapagalaw ang nasabing animatronic na gawa sa fiberglass body at silicone skin.

Gagamit din ang production team ng pneumatic technology o ‘yung air compression na remotely operated by a mechanic o technician upang maging realistic ang galaw ni Dakila na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa kuwento.

Bongga ha! Dinaig pa ata ang TF ni Ruru.

Pero wala naman ito sa Kapuso actor dahil napakalaking proyekto ang pagbibidahan niya. Kahit sino sigurong artista na mapabilang sa ganito kalaking show ay magiging grateful at proud na.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with