^

Pang Movies

Catriona at Rabiya, kinainsekyuran ng mga EX

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Catriona at Rabiya, kinainsekyuran ng mga EX
Rabiya

Siguro nga ‘yung mga karelasyon ng mga babae na biglang naging celebrity nagkakaroon din ng konting insecurity kaya ‘pag naging celebrity na ang GF nila, nagkakaroon na ng breakup.

Ganyan ang nangyari kay Catriona Gray at ngayon kay Rabiya Mateo. Ilang taon na sila ng mga BF nila, pero once naging Miss U-PH sila, hayan na, break na sila. Or ‘yung mga may GF na biglang naging stars, biglang hiwalay din sa BF nila. Kasi nga, ‘pag celebrity na ang isa, siyempre iba na ang schedules nito, iba na rin ang aura ‘pag magkasama kayo.

Puwedeng hindi naman nagbago ang ugali, pero iba na rin ang tingin sa kanya ng mga tao na puwedeng maging cause para ma-insecure ka. Puwede ring hinahanap mo pa rin ang dating ugali nito, na siyempre may changes na dahil celebrity na nga. At kung minsan, dahil pinagkakaguluhan siya ng tao, ikaw naiiwan. Dapat din kasi may adjustment ka, dapat din kasi tanggap mo na iba na nga kasi ang level niya ngayon. Patience at pang-unawa ang dapat laging baon ng karelasyon ng isang celebrity.

‘Pag hindi malawak ang pasensiya niya at understanding, tiyak talagang breakup ang pupuntahan ng relasyon n’yo. Well, your happiness is your choice, ipaglaban mo kung talagang worth it ilaban, let go kung talagang hindi kaya.

Acceptance is your number one weapon.

Andrea, winner sa pandedeadma

Hanga ako sa strength of character ni Andrea Torres ha. Kahit na nasa gitna siya noon ng controversy dahil sa breakup, naharap niya ang trabaho. Kaliwa at kanan ang issues, tahimik lang siya at hindi sumagot. Hayun, trabaho at wala kang narinig na nabitin o kaya hindi niya nagawa. Tuluy-tuloy lang ang trabaho niya.

Kaya palagay ko, siya ang lumabas na talagang winner sa issue, dahil nagawa niya to suffer in silence with her head up. Standing tall siya all thru-out ng controversy, kaya naman siguro iginalang ng lahat ang posisyon niya. At hindi paawa effect ang drama niya ha, basta respectful stand, less talk.

Galing talaga, Andrea, bow ako, promise. You will be remembered as the woman who took all the pain in dignity. Dapat example ka sa ibang mga babae na dakdak nang dakdak to the point na lumalabas na mas bitter sila, at dapat lang iwanan.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with