^

Pang Movies

Kailangan ng datung William Martinez, nanawagan ng trabaho!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kailangan ng datung William Martinez, nanawagan ng trabaho!
William

Kung mas sikat noong dekada otsenta ang dating matinee idol na si William Martinez, mas stable naman ang takbo ng career ngayon bilang actor ng elder brother ni William na si Albert Martinez na hindi nawawalan ng proyekto sa telebisyon sa pamamagitan ng iba’t ibang TV series.

Si William naman ang walang trabaho ngayon at 11 taon nang hiwalay sa kanyang asawang aktres na si Yayo Aguila kung kanino siya may apat na grown-up children.

Although hindi ikinakaila ni William na sumubok siya ng drugs noon, matagal na umano niya itong tinalikuran at iwinaksi. Hindi na rin umano siya naninigarilyo at umiinom matapos siyang magka-stroke several years ago.

Pero sa kabila ng mga nangyari, umaasa pa rin si William na mabibigyan pa rin siya ng acting assignment both sa TV at pelikula dahil kailangang-kailangang niya ng trabaho lalo na na ngayon na mag-isa na lamang siyang namumuhay.

Bianca, last year pa nakatira sa Australia!

It was in August 2020 nang magdesisyon ang dating Kapuso actress, commercial model and vlogger na si Bianca King (36) na talikuran ang kanyang showbiz career and start another chapter in her life sa Sydney, Australia.

Marami siyempre ang nabigla at nalungkot sa na­ging sudden decision ng (dating) aktres na mag-move sa Australia.

In her Instagram account, marami rin ang binigla ni Bianca nang kanyang ibahagi ang larawan nila ng kanyang husband na ngayon na si Ralph Wintle na nagki-kiss sa kanilang living room in Australia kung saan sila ikinasal.

Bago pa man huminto sa kanyang showbiz career si Bianca ay boyfriend na niya ang nakababatang kapatid ng mister ng Kapamilya actress na si Iza Calzado na si Ben Wintle. Sina Bianca at Ralph ay unang nagkakilala sa intimate beach wedding nina Iza at Ben na ginanap sa Coron, Palawan noong December 19, 2018 at kasunod na rito ang pagiging extra close ng dalawa na sinundan ng kanilang frequent travels sa iba’t ibang lugar ng bansa maging sa ibang bansa.

Mag-sister-in-law na ngayon sina Iza at Bianca at brother-in-law naman niya ang brother ni Ralph na si Ben.

Aubrey at Troy, magpapa-civil wedding muna

Kung bagong kasal sina Bianca King at Ralph Wintle na nasa Sydney, Australia, marami naman ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kasal ang longtime partners na sina Aubrey Miles at Troy Montero na magsi-celebrate ng kanilang ika-19th anniversary bilang magkasintahan sa darating na August 25, 2021.

Personal na inamin sa amin nina Aubrey at Troy na komportable umano sila sa kanilang relasyon at setup kahit may dalawa na silang anak (sina Cody,12; Rocket, 2) at matagal na ang kanilang relasyon.  Pero kung kelan naman nila plinanong magpakasal noong isang taon at plantsado na ang lahat ay saka naman nagka-pandemic kaya nakansela ang kanilang preparasyon. Pero hindi umano ito nangangahulugan na ayaw na nilang ituloy ang kanilang kasal. “Hindi naman nawala ‘yung plano namin. But as to when ay hindi pa namin alam dahil nariyan pa rin ang pandemic,” paliwanag ni Troy.

Naka-set na pala ang kanilang intimate wedding noong April 23, 2020 na gaganapin sana sa Batanes at preparado na umano ang lahat. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagka-lockdown dahil sa COVID-19.

Pumasok din sa plano nina Aubrey at Troy na magpakasal somewhere in Europe pero hindi rin sila makabiyahe.

Bago mangyari ang kanilang planned intimate church wedding, plano ng dalawa na magpakasal na lamang muna sa civil rites na maaaring mangyari any day soon. 

Kapag okey na ang sitwasyon ay saka na lamang umano nila paplanuhin ang kanyang church wedding kung saan gusto nila na ang kanilang respective families ay present.

Ang maganda kina Aubrey at Troy, pareho silang health buff at magkatulong sila sa kanilang family vlog.

Aubrey also runs her two branches ng pawnshop in Quezon City and Makati.

vuukle comment

WILLIAM MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with