^

Pang Movies

Iza at Bianca, pareho nang Mrs. Wintle…

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iza at Bianca, pareho nang Mrs. Wintle�

Maghipag na sina Iza Calzado at Bianca King dahil magkapatid ang kani-kanyang asawa, pareho na silang Mrs. Wintle. Sa post ni Bianca na in-announce na “Married in our living room,” nag-comment si Iza ng “Welcome to the family” na sinagot ni Bianca ng “sup Mrs Wintle! Hahaha.”

Sa mga nabasa namin, si Iza at ang husband nitong si Ben Wintle ang naging daan para makilala ni Bianca si Ralph Wintle. Dahil kay Ralph, nag-relocate sa Sydney, Australia si Bianca to be with her man.

Hanggang sa pagko-congratulate muna ang friends ni Bianca dahil sa pandemic, hindi sila nakadalo sa kasal ng dalawa. Sagot ni Bianca sa congratulatory message ni Mond Gutierrez, “you’re gonna shot our wedding party some day one day.”

Mga nagiging MUP, nakikipaghiwalay sa karelasyon

Bakit nga ba ang ibang nananalo sa Miss Universe Philippines, nakikipag-break sa kanilang mga boyfriend after the pageant? Example na lang sina Miriam Quiambao, Catriona Gray at nitong huli si Rabiya Mateo.

Maraming nalungkot para sa ex-BF ni Rabiya na si Neil Salvacion nang mabasa ang post nito tungkol sa breakup at prinotektahan si Rabiya.

Jasmine, ‘di na raw bagay na estudyante

Tapos na ang first leg ng lock-in taping ng The World Between Us, kaya balik muna sa kani-kanyang bahay ang cast na kasama sa lock-in taping. Umabot ng 17 days ang first leg ng taping ni director Dominic Zapata.

Inaayos na ang second leg na this June na rin siguro dahil kung totoong sa July na ang world premiere ng teleserye, kailangan maraming advance episode ang makunan para tuluy-tuloy ang airing.

Sa nabasa namin na story, magkapatid sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez at nanay nila si Dina Bonnevie. Kaklase naman nila si Alden Richards, hindi pa nababanggit ang role ni Sid Lucero habang mayordoma nina Dina si Jaclyn Jose.

Dahil wala munang taping, balik sa workout si Jasmine na tiyak matatawa na naman sa mga comment na hindi siya bagay sa role ng high school student. Kung sina Alden at Tom nga na older kay Jasmine, bumagay na high school students, si Jasmine pa kaya ang hindi bumagay? Mas bata naman siya sa dalawang aktor.

vuukle comment

BIANCA KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with