^

Pang Movies

Jennylyn ginagawan ng paraan na makasama ang anak ni Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nami-miss na si Dennis Trillo nina Jennylyn Mercado, anak nitong si Jazz at anak ni Dennis na si Calix. May nakita kaming larawan ng tatlo na magkakasama at tila nasa swimming pool area, may hawak si Calix na may nakasulat na “We Miss You.”

Kung nakita ng aktor ang picture, mata-touch siya dahil kahit wala siya, ginawan pa rin ng paraan ni Jennylyn na makasama nila ni Jazz si Calix.

Nasa lock-in taping kasi si Dennis ng Legal Wives,  tinatapos siguro ni direk Zig Dulay ang mga eksena para tuluy-tuloy na ang airing nito kapag nakapag-world premiere sa June 21.

Netizens hindi bet si Beauty sa GMA

Sa mga nababasa naming comments ng Kapuso viewers sa mga Kapamilya talent na lumipat sa GMA-7, hindi nila masyadong feel si Beauty Gonzalez.

Minsan na raw kasing ginustong maging Kapuso talent nito at nag-guest na nga sa Celebrity Bluff, pero parang hindi sineryoso.

Nang tanungin kung ano ang ginawa sa GMA Network, namasyal lang daw siya, saka tumawa at hindi na nga itinuloy ang paglipat.

 Tapos ngayon, lilipat na naman. Baka raw sa gitna ng taping nang gagawin nitong series, biglang mag-backout at layasan ang taping.

Anyway, hindi raw sa Prima Donnas mapapasama si Beauty kundi sa  isang bagong series na may kakaibang concept ang gagawin nito. Ayaw pa lang magbigay ng detalye ang network, but this time, wala na raw atrasan si Beauty at magiging Kapuso na siya.

Pagpapalit ng apelyedo ni Julia walang katapusan

Nagtatanong ang fans ni Julia Barretto kung wala na raw bang ibang masasabi si Dennis Padilla tuwing na-i-interview kundi past issues nila ng mga anak, lalo na si Julia? Tuwing magsasalita raw si Dennis, laging si Julia ang nasisira at naba-bash.

Wish pa naman niyang makasama ang mga anak sa Father’s Day sa June 20, pero kung ganyang may binuksan na naman siyang isyu sa mga anak, baka magtampo ang mga anak nila ni Marjorie Barretto sa kanya.

Binanggit na naman kasi ni Dennis ang kagustuhan dati ni Julia na magpalit ng apelyedo, ang mga anak ang nasisira sa publiko, lalo na si Julia na parang ito lang ang ayaw gamitin ang apelyido niya.

Tama ang isang netizens, panahon na para ayusin ang usaping ito tungkol sa pagpapalit ng apelyido. Mag-usap sila ng masinsinan at dapat may kaharap na abogado para legal ang usapan, walang sisihan at para hindi na binabalik-balikan at para matahimik na rin ang lahat.

Endless Love inaabangan ng DongYan fans

Inaabangan na ng DongYan fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang re-airing ng unang serye sa GMA-7 na pinagtambalan. Ito ay ang Endless Love na muling mapapanood simula sa Monday (June 7) pagkatapos ng First Yaya.

Bukod kina Marian at Dingdong, mapapanood din si Kathryn Bernardo bilang young Jenny (Marian) at si Kristoffer Martin naman ang gumanap na young Johnny. Kilig at iyakan ang hatid ng “Endless Love” na based sa 2000 South Korean hit drama na Autumn in My Heart.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with