^

Pang Movies

KC, lutang ang kasimplehan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KC, lutang ang kasimplehan!
KC at Samantha

Noong Abril pa ang birthday ni KC Concepcion, at noon pa nga ay naibalita na niyang sumama siya sa bakasyon ng erpat niyang si Gabby sa resthouse nito sa Lobo, Batangas. Alam din naman natin na hindi sila nakabalik ulit ng Maynila dahil inabot nga sila ng panibagong lockdown doon, at minabuti nga nilang manatili na lang muna sa Batangas, kaya doon na rin nag-celebrate ng kanyang birthday ang aktres kasama ang kanyang “buong Concepcion family,” meaning si Gabby, ang dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Samantha at Savannah, at ang partner ngayon ni Gabby na si Genevieve.

Mahigit na isang buwan ang nakalipas simula noong birthday niya nang i-upload ni KC ang video docu ng kanyang birthday celebration sa Batangas na sinasabi niyang “my most amazing birthday.”

Pero siguro kaya nga nagtagal bago niya nai-upload iyon ay nag-edit pa siya, mahahalata mo namang hindi isang araw lamang kinunan iyon kundi parang documentary ng kanilang mga ginawa sa buong panahon ng pananatili nila sa Lobo habang naka-lockdown.

May eksenang tuwang-tuwa si KC habang nanood sa pagtuturo ni Gabby ng paglangoy sa bunso niyang kapatid na si Savannah, dahil medyo natatakot nga iyong lumubog sa tubig at nandadaya dahil iniaangat agad ang ulo. Naalala rin ni KC kung papaano siyang tinuruan ni Gabby na mag-swimming at nasabi niyang “I can’t imagine life without swimming.”

Doon sa bahagi naman na nag-present ng sulat si Samantha at nagpakita ng kanyang drawing habang binabati siya sa kanyang birthday ay masayang-masaya nga si KC, at makikita mo iba ang pagkakayakap niya sa dalawang kapatid. May bahagi pang naglalaro sila ng card games, at talagang nagkakatuwaan sila, maliban doon sa parting nag-kayak ride nga sila sa dagat.

Doon sa nasabing video na ini-upload ni KC sa kanyang video channel, makikita mo iyong totoong siya. Hindi isang artista. Hindi isang modelo. Hindi gumawa ng video na pang press release lamang. Siya talaga iyon at makikita mo ang mga simpleng bagay na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan.

Nasa isang beach house siya na gawa sa kahoy, nagpapahinga sa isang duyan, at doon ay masaya na siya.  

Pokwang, may bagong trabaho na

Nasa isang make-up room si Pokwang, pero hindi niya sinabi kung saan iyon. Nagpasalamat lamang siya sa Diyos na sa kabila ng pandemya ay may trabaho pa ring dumarating sa kanya. Nauna riyan, may mga ginawa na rin siyang TV shows para sa isang independent producer sa TV5.
Hindi man niya sinabi, dahil sa view na nakikita sa salamin ng bintana sa dres­sing room na iyon, at dahil sa pagwe-welcome sa kanya ni Carla Abellana, na siguradong alam kung saan iyon, maliwanag na iyon ay sa GMA 7 nga. Nauna riyan, nag-guest na rin si Pokwang sa Eat Bulaga.

Mukhang marami ngang mga dating talents ang ABS-CBN, na nag-iisip nang tumalon ngayon sa network na nasa Kamuning dahil sa umuugong na mga usapang baka wala pa rin mangyaring pagbabago kahit na magkaroon ng eleksiyon, ibig sabihin kung ganoon nga ang mangyayari, mahihirapan pa rin ang network sa Mother Ignacia na makakuha ng panibagong franchise.

Male star, noon pa pumapatol sa bading

“Hindi lang nakikipag-date iyan sa bading. Batang-bata pa iyan noon nang magkaroon ng kantiyawan at pinasayaw siyang parang macho dancer ng “steady” niya noon na isang gay na manager sa isang mall. Hindi naman siya magaling magsayaw dahil hindi naman talaga macho dancer, pero pogi na siya talaga noon at may ipagmamalaki kahit na hindi naman naghubad nang todo,” kuwento ng isang gay na nakasama noon sa isang gay party tungkol sa isang male star. Nangyari raw iyon sa isang “city north of Manila.” Noon pa naman kasi, balita na ngang ina­abangan ang male star na iyan sa malapit sa kanilang eskuwelahan o kaya sa basketbolan na madalas niyang paglaruan. 

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with