^

Pang Movies

Andrea, noon pa wish makasama si Dennis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Andrea, noon pa wish makasama si Dennis
Andrea

Dream come true pala for Kapuso actress Andrea Torres nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang upcoming first cultural drama series na Legal Wives na pinagsasamahan nila nina Alice Dixson, Bianca Umali at si Kapuso Drama King Dennis Trillo. “Dream come true dahil matagal ko nang gustong makasama sa isang project si Dennis at fan niya ako talaga noon pa dahil sa husay niyang umarte,” kuwento ni Andrea sa 24 Oras. “Sa serye, pinag-aralan namin bawat isa ang mga character namin. At nang magkaeksena na kami ni Dennis, hangang-hanga ako talaga sa kanya.  Bukod sa mahusay niyang acting, bibilib ka kung paano niya nabibigkas ang mga dialogues na tulad sa isang Maranaw, hindi mo iisiping siya ang kausap mo. Mabuti na lamang gina­gampanan ko ay role ng isang Christian.”

Sa Legal Wives si Andrea ay si Diane San Luis, pangalawang asawa ni Ismael. Siya ang tunay na minahal ni Ismael pero isa nga lamang siya sa asawa nito. Kailangan ba niyang yakapin ang mundo ni Ismael alang-alang sa pagmamahalan nila?

Sa June 21 na ang world premiere ng Legal Wives at mapapanood ito gabi-gabi sa GMA 7, pagkatapos ng First Yaya.

Beauty, natuloy na sa Kapuso

Matutuloy na nga ba ang paglipat ni Beauty Gonzalez, sa GMA Network? Ito ngayon ang usap-usapan ng netizens, dahil kung matatandaan, in 2018, napabalita na siyang bumisita sa GMA para makipag-usap sa executives ng network.  Akala nga ay tuluy-tuloy na siya, dahil napanood siyang nag-guest noon sa isang episode ng Celebrity Bluff hosted by Eugene Domingo.

Pero mukhang may hindi sila napagkasunduan ng GMA kaya hindi natuloy ang paglipat niya. Ngayon ay balitang confirmed nang kasama siya sa isang bagong teleserye ng GMA at hinihintay na kung sino sa mga Kapuso actor ang una niyang makakatambal.

Jeric at Klea, ima-match na rin ni Julie Anne

Last two weeks na lamang ang romantic-comedy series na Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco, at tiyak na mami-miss ng fans ni Julie Anne ang naiibang role niya sa serye bilang si Heart Fulgencio, may-ari ng cafe at isang matchmaker, sa nagiging customers nila. Kaya nagpapasok sila ng special guests, una nilang love team na guests sina Kate Valdez at Migo Adecer (na ginawa nito bago nagpaalam sa fans at bumalik sa Australia).  Sumunod na pumasok sa cafe ang real lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto pero si Barbie pala ay girlfriend ni Ace (David) at si Jak naman ay nanligaw kay Heart pero nadiskubre nitong may nabuntis palang babae. Ngayong Friday ang last appearance ni Barbie at malalaman kung paano nito tatanggapin na hindi na pala siya mahal ni Ace.

Ang love team naman nina Klea Pineda at Jeric Gonzales with Erin Ocampo, ang huling maggi-guest sa serye, na ima-matchmake rin ni Heart. Ma­ging successful kaya ang matchmaking ni Heart? 

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with