^

Pang Movies

Kapamilya stars, sunud-sunod ang lundagan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Comment ng Kapuso fans, bagsakan ang nangyaya­ring lipatan ng Kapamilya talents sa GMA Network. Sunud-sunod kasi ang nabalitang lilipat sa loob lang ng isang araw noong Wednesday lang, tatlo ang nadagdag na magiging Kapuso na.

Si Pokwang,  Beauty Gonzalez at ang sabi pa nga, sa Prima Donnas siya makakasama.

Humabol sa balitang lumipat sa GMA Network si Sid Lucero. Actually, balik-Kapuso si Sid dahil marami siyang ginawang teleserye sa network bago lumipat sa ABS-CBN.

Nauna nang lumipat sa GMA si Luke Conde o mas kilala sa tawag na hashtag_lukeconde at kasama siya sa anniversary special ng Wish Ko Lang. 

Of course, si John Lloyd ay mapapanood na sa June 6, sa Wowowin: Tutok to Win  at may gagawin silang sitcom ni Andrea Torres.

Baka pati pelikula sa GMA Pictures, gumawa rin si John Lloyd.

John Lloyd, pampelikula ang naramdaman noon

Sa interview ni G3 San Diego na lumabas sa Mega, binalikan ni John Lloyd Cruz ang naramdaman nang malamang magiging ama na siya.

“Hindi siya ganun kadali. Parang pang pelikula lang pala ‘yung ano- ‘yung parang nalaman ko parang, “Magi­ging tatay na ako!” Para sa akin hindi. I mean, kung ano ‘yung nangyari sa akin, hindi. To each its own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay ‘yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin... We wanted it eh. Alam na namin na it was going to happen,” sabi ni John Lloyd.

Inalala rin ni John Lloyd sa interview na ang pagbubuntis at panganganak ni Ellen Adarna ay “tumultuous” time. “Halu-halo kasi siya eh. Ang dami nangyari at that time. Like ‘yung father ni Ellen passed away two weeks before ipinanganak si Elias and she was going through motherhood, beco­ming a mother and our own personal issues. ‘Di ba parang lahat ang dami nangyari. And halos walang time actually to reflect on what’s happening on a day-to-day basis,” ayon pa kay John Lloyd.

Rhian pahinga muna sa pagho-host, bibiyahe sa Paris 

Hindi muna mapapanood si Rhian Ramos na magho-host sa Wowowin: Tutok to Win dahil bibiyahe siya sa Paris. Sina doctors Vicki Belo at Hayden Kho ang makakasama ni Rhian sa kanyang Paris trip pero nilinaw nitong hindi lang bakasyon ang gagawin niya sa Paris.

May gagawin siyang photo shoot sa Paris na hindi na binanggit kung para saan, pero ang paniwala ng netizens, para ito sa Belo dahil isa siya sa brand ambassadors nito. Two weeks daw si Rhian sa Paris, kaya dalawang linggo siyang hindi mapapanood.

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with