^

Pang Movies

Alfred, may espesyal role sa cultural drama series!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alfred, may espesyal role sa cultural drama series!
Alfred

Kahit special role lamang ang gagampanan ni actor-politiican Alfred Vargas sa upcoming GMA Primetime cultural drama series na Legal Wives, pumasok pa rin siya sa ilang araw na lock-in taping na requirement sa bawat member ng cast na sumunod sa health protocols.

Gaganap si Alfred sa role ni Nasser Macadato, kapatid ni Ismael, na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Si Nasser din ang unang asawa ni Amirah, played by Alice Dixson. As per Alfred’s Instagram post, ang bumubuo ng Macadato Family ay sina Dennis, Alfred, Al Tantay, Bernard Palanca, at si Shayne Sava na anak nina Alfred at Alice.

Kahit ilang araw lamang ang lock-in taping ni Alfred, in-enjoy din niya ito, dahil ‘pag break sila sa eksena, work and play daw sila ng co-actors niya na nagba-bike sa loob ng location nila sa isang beach resort sa Laguna.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Maranaw (Dennis) ang tatlong magkakaibang babae para sa iba’t ibang kadahilanan. Mukhang mara­ming matututunan ang viewers ng teleserye sa kulturang Maranaw sa direksyon ni Zig Dulay na siya ring nagdirek ng Sahaya, na tungkol naman sa mga Badjaw, in 2019.

Kasama rin sa cast ng Legal Wives sina Andrea Torres at Bianca Umali, at malapit nang mapanood sa GMA Telebabad, kapalit ng Heartful Café na nasa last three weeks of airing na ngayon.

Willie, ipinagpaalam kay Carlo Katigbak si John Lloyd

Tuluy-tuloy na ang pagtulong ni Willie Revillame kay John Lloyd Cruz sa muli nitong pagbabalik sa acting. Nanghihinayang daw kasi si Willie sa apat na taong pansamantalang iniwan ni Lloydie ang showbiz.  Kaya matapos pumayag si JLC na mag-guest sa June 6 sa mid-year sale ng isang e-commerce platform, na live na mapapanood sa GMA Network mula sa Smart Araneta Coliseum, kinumbinsi naman siya ni Willie na gumawa ng sitcom na magtatampok sa kanila ni Andrea Torres, na pumayag naman daw ang actor.

Kaya kinausap ni Willie si Ms. Annette Gozon-Valdes ng GMA at si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak at ipinagpaalam niya si JLC. 

Hindi raw naman siya nahirapang kausapin si Sir Carlo sa telepono at ang sabi raw nito, “sige bahala ka muna kay John Lloyd.”

Offer din ni Willie kay JLC ay maging isa siya sa producers ng projects na gagawin nila under his production.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with