^

Pang Movies

Maja, iwas pag-usapan si John Lloyd

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja, iwas pag-usapan si John Lloyd
Maja

Sa virtual mediacon ng bagong reality talent show ng TV5 at TNT na PoPinoy ay natanong si Maja Salvador kung mahigpit ba siyang manager ni John Lloyd Cruz.

“Hindi pa po nag-audition dito si John Lloyd,” ang natatawang sagot ni Maja na halatang umiiwas.

Hindi na dinugtungan pa ng aktres ang kanyang sagot at nag-I-love-you na lang sa reporter na nagtanong, a way of saying na ibalato na lang ito sa kanya at huwag nang pag-usapan pa.

Anyway, si Maja ang isa sa napiling maging PoPinoy mentors or headhunters along with Jay-R, DJ Loonyo and Kayla Rivera. Sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros naman ang magsisilbing hosts.

Ayon kay Maja, kahit naman daw may talent agency (Crown Artist Management) na siya ay may time pa rin naman siyang gumawa ng projects. Aniya ay marami naman daw silang magkakasosyo at isa na nga rito ay ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Maja, along with other headhunters in PoPinoy will be closely watching the aspirants’ every move, analyzing each step, and evaluating every note, with the goal of pointing them in the right direction towards becoming the ultimate Pinoy Pop sensation.

PoPinoy will premiere on June 13, Sunday, 7 p.m. sa TV5 pero bago ito ay magkakaroon muna ng primer on June 6, Sunday, 8 p.m. It will also have a catch-up airing on Colours on Cignal ch. 202 HD and 60 SD on Sundays at 9:30 p.m.

Ken, inaabangan na ang alter ego

Malapit nang makilala ng Kapuso viewers ang makukulay na mga karakter sa upcoming GMA series na Ang Dalawang Ikaw.

Mas naging kaabang-abang ang serye dahil sa ipinost ng lead actor na si Ken Chan na larawan sa kanyang Facebook page bilang ang kanyang karakter na si Tyler, ang alter ego ni Nelson. Ito ang dalawang personalidad na gagampanan ng Kapuso actor sa serye dahil sa sakit na dissociative identity disorder.

Samantala, nagsimula noong Lunes (Mayo 24) ang huling cycle ng lock-in taping ng cast sa Bataan. Makakatambal ni Ken sa programa ang ka-loveteam na si Rita Daniela.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with