^

Pang Movies

Rabiya ‘di na available pagkahiwalay sa BF, crush si Kobe

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rabiya �di na available pagkahiwalay sa BF, crush si Kobe
Rabiya

Nag-deny si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na break na sila ng long-time boyfriend niya na si Neil Salvacion. Sabi pa niya sa isang interview, ‘I’m not available’ pero inamin niyang may celebrity crush siya, si Kobe Paras. “I know nothing about basketball but I watch UAAP games to see him. Even though I don’t understand what’s happening, I look at number six.”

Si Kobe ay anak ni basketball player-actor Benjie Paras at nakababatang kapatid ng actor na si Andre Paras, na iniwan na rin muna ang acting at itutuloy na niya ang paglalaro ng basketball. Dating member ng University of the Philippines si Kobe. Last month ay sumali na siya sa East West Private, the same company that is handling Kai Sotto in the US.

Sa July pa ang balik sa bansa ni Rabiya at gusto raw naman niyang pasukin ang show business. Dalawang beses nang nag-guest si Rabiya sa All-Out Sundays while preparing for the Miss Universe beauty pagent, pero ina­min niyang hindi siya marunong sumayaw. Ngayon kaya ay mag-aaral na siyang sumayaw, na usually ang isang artista ay kailangang marunong sumayaw at kumanta, bukod pa sa mahusay na pag-arte.

Centerstage finalists, magpapasiklaban

Enggrande ang Grand Finals ng Centerstage bukas, May 30. Grand finalists sina Rain Barquin, Colline Salazar, Vianna Ricafranca at Oxy Dolorito sa kapana-panabik na 4-Way battle. Sino kaya sa kanilang apat ang magpapabilib sa Bida Voters at Center­stage Judges na sina International Stage Performer and Soul Diva Aicelle Santos, renowned composer and musical director Mel Villena and Original Concert Queen Pops Fernandez?

Magkakaroon din ng special performances ang four finalists kasama si Centerstage Host at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Mapapanood ang Centerstage at 7:40 p.m. pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7.

Pepito… finale na

Season finale na ng Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento ngayong gabi sa GMA Network, na nagsimula pa noong 2010, a brainchild ni Michael V. or si Bitoy. 

Balik-tanaw, nagsimula ang serye sa rags-to-riches journey ng mga ordinary persons, ang mag-asawang Pepito (Michael V.), Elsa (Manilyn Reynes), and their children Clarissa (Angel Satsumi) at Chito (Jake Vargas).

Labis ang pasasalamat ng buong cast sa lahat ng mga manonood na hindi sila iniwanan simula noong 2010, hanggang ngayon, sa kabila ng pandemyang pinagdaraanan nating lahat. Abangan kung ano ang plans ni Pepito para sa new season.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with