^

Pang Movies

Sunshine, nagpapalakas ng baga!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, nagpapalakas ng baga!
Sunshine

Inamin ni Sunshine Cruz, humina raw ang kanyang lungs at iyan ay dahil sa tinamaan siya ng COVID-19. Gumaling man ang kanyang COVID totally, may naiwan pa ring problema. Pero nahanapan naman ng solusyon.

Kailangan lang ay kaunting pahinga pa, at bakasyon sa tabing dagat kung saan sariwa ang hangin at ang latest nga nakakabawi na ang kanyang baga. “Mahirap din at saka frustrating kasi gumaling ka na tapos malalaman mo may problema pa palang naiwan, pero wala nga tayong magagawa. Sabi nga ng doctor ko, dito naman daw sa atin hindi ka man nagka-COVID, delikado pa rin ang lungs dahil sa pollution. Nagulat ako nang sabihin sa akin na dito raw sa Metro Manila mismo, halos 300 percent ang pollution.
“Wala na kasing mga puno, maraming sasakyan na nagbubuga ng usok at iba pang reasons, tapos may epekto pa rin ang climate change, iyong napakainit ng panahon. Talagang kailangan mag-ingat na lang at kung may problema na, gawan mo na nang paraan. Iyon namang ini-advise sa akin, sabi nga nila usual lang namang ginagawa. Kailangan ng pahinga at sariwang hangin, iyan naman generated sa pagpalo ng tubig sa tabing dagat, eh ‘di enjoy ka pa sa bakasyon,” ang sabi pa ni Sunshine.

Pero mabuti naman at talagang ok na ang kanyang pakiramdam sa ngayon. Binigyan na din daw siya ng kanyang doctor ng go signal na magbalik na sa trabaho, pero siya naman ang medyo nag-hold back dahil iniisip nga niya ang peligro rin na kahit na naka-lock in na sila sa taping, at lahat naman ay sumasailalim ng swab test,  nasisingitan pa rin.

Tutal hindi naman niya kailangang magtrabaho agad, ok naman ang kanyang financial standings, at ok din naman ang kanyang investments, sinasabi niyang kaya pa rin niyang mag-slow down. “Ang kailangan ko kasing ingatan, hindi lang naman ang sarili ko kundi iyong tatlong anak ko na kasama ko sa bahay. Baka hindi nga sila lumalabas,” sabi ni Sunshine.

Canadian actor Elliot Page, kinarir na ang katawang lalaki

Noong isang araw nga napag-usapan namin na dito raw sa atin, ang lesbians na nagsasabing lalaki na sila, “mukhang tomboy pa rin.” Siguro nga kasi nasanay tayo na nakikita natin silang mga babae noong araw, at saka kahit na anong pagbabago nila sa kilos at pananalita, tomboy pa rin ang dating. Kasi sabi nga ng iba over naman ang ginagawa nilang pagpapaka-lalaki kaya lalong obvious na tomboy sila.

Nabanggit namin iyan ngayon dahil sa aktres na si Elliot Page, na napakarami ring ginawang mga pelikula at TV shows simula noong kanyang pagkabata. Bagama’t sinasabi naman niya noon pa man na tomboy siya, hindi siya obvious kasi nga puro role ng babae ang ginagawa niya sa pelikula at telebisyon.

Marami ang nagulat nang i-post ni Elliot sa social media ang kanyang picture, wala siyang suot na pang-itaas, katawan na ng isang lalaki ang kanyang katawan at may abs pa. In fairness pogi ang dating niya sa picture. Mukhang tanggap naman ng publiko ang bago niyang identity dahil bagay nga, pero papaano kaya ang gagawin niya sa mga seryeng babae pa rin ang kanyang role?

Aktres na noon pa pa-star, sinusuka ng make-up artist!

“Masyadong pa-class ang babaeng iyan eh noong una pa naming nakasama iyan kumakain na iyan ng kwek-kwek at isaw sa set. Bumibili rin iyan ng fishball, tapos sasabihin niya na ngayon lang siya nakakain ng street foods? Maarte,” sabi ng isang make-up artist na matagal nang nakasama ng female star na feeling sikat din.

Inamin din ng make-up artist na hindi lovable ang female star kagaya ng lumalabas sa kanyang publisidad.
“Ay tetano iyan sa set. Feeling star from the very start, at ayaw niyang iyong sponge na ginagamit sa makeup niya ay ginagamit din sa iba. Kaya sinabihan namin iyan, iyong mga big star, nagdadala ng sarili nilang sponge at makeup. Isipin ninyo, sa liit ng ibinabayad sa make up artists kung re-require pa nila kaming bumili ng sponge para sa lahat, ano pa ang kakainin namin,” sabi pa ng make-up artist.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with