^

Pang Movies

Carla, maLungkot sa paghihiwalay muna nila ni tom

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carla, maLungkot sa paghihiwalay muna nila ni tom
Carla at Tom

Four months pansamantalang magkakahiwalay ang Kapuso engaged couple, sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ibinahagi ni Carla sa kanyang YouTube vlog ang reason ng pansamantala nilang paghihiwalay, ngayon pa namang pinaghahandaan na nila ang nalalapit nilang classic style church wedding on October 21, 2021, sa Tagaytay Highlands.

Si Tom ay nagsimula na ng lock-in taping ng upcoming Kapuso drama series na The World Between Us at si Carla ay magsisimula rin ng bagong teleserye sa GMA Network, ang To Have and To Hold. Naka-schedule na siya ng one-month lock-in taping sa Bataan. At dahil hindi nila alam kung kailan sila magkakasabay ng break, maaari raw tumagal ng four months bago sila muling magkasama.“It’s going to be like that until September,” Carla added. “It’s going to be the longest time we’ll be apart which is more or less four months.”

Ikinalungkot din ni Carla na kailangan muna niyang tanggalin ang kanyang engagement ring.“But that’s okay because pretty soon, I’ll get to wear that again and  pretty soon, there will be a wedding ring along with that engagement ring.”

Malungkot man, pero masaya rin si Carla dahil sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin ngayon, thankful sila ni Tom na pareho silang nagkaroon ng opportunities na magtrabaho, hindi man sila magkasama sa iisang show. “We are thankful because, we get to continue to put food on our table, support our families and prepare financially, not just for the wedding but for our dream home. We’ll endure not seeing each other because it will be worth it and the important thing is we’ll get married after our shows.”

Sanya, uumpisahan na ang pagpapa-renovate

Masayang-malungkot ang cast ng romantic-comedy series na First Yaya sa pagtatapos nila ng lock-in taping nila last Sunday, May 23, dahil matagal din silang nagkasama-sama sa serye na patuloy na mapapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng 24 Oras.

Haharapin naman ni Sanya ay ang taping ng Alamat ng Agila nila ni Bong Revilla na last Saturday, May 22, ay nagsimula na siyang napanood bilang si Maya Lagman.

Thankful si Sanya dahil sa magkasunod na proyekto niyang ginawa, matutuloy na raw ang renovation ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasing natapos ang construction ng bahay niya, na gift niya sa sarili niya at ipinatayo niya mula sa mga kinita niya sa projects na ginawa niya sa GMA. Pero may mga kailangan na raw siyang ipa-renovate, kaya ang gagamitin niya ay ang talent fee niya mula sa Agimat...

vuukle comment

CARLA ABELLANA

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with