^

Pang Movies

Lady Gaga, pinatibay ng mga pinagdaanan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Lady Gaga, pinatibay ng mga pinagdaanan
Lady Gaga

Wow, Salve, nagulat ako sa sinulat mo tungkol sa naging experience sa buhay ni Lady Gaga ha. ‘Yung nagkaroon siya ng breakdown at maging psychotic dahil sa panghahalay sa kanya noong bata pa siya at nagkaroon pa siya ng anak, bongga ang naging buhay niya ha.

Pero isa itong example kung paano rin gumalaw ang kapalaran. Imagine mo, mula sa experience niya, naging superstar siya. Nakaahon, nakatayo mula sa pagkakadapa.

Life really is a mystery, ikaw lang ang puwedeng mag-ayos ng buhay mo. Kung nag-give up siya, kung tuluyang sumuko, sana walang Lady Gaga.

Siguro nga nangyari ang mga naganap para na rin mas tumibay pa siya. What a revelation, magbigay sana ng lakas ng loob sa lahat ng tao na nanghihina na ang loob sa pagharap sa buhay. Lady Gaga, bongga ka.

Piolo at Judy Ann, hanggang ilusyon lang

Gusto pala sana ni Piolo Pascual na magtrabaho sila ulit ni Judy Ann Santos. Mala­king bonus sa kanilang fans na matagal ding naghintay na sana magkasama silang dalawa.

Matured na ang mga tao at hindi na rin siguro magkakaroon ng ilusyon na magkakaroon pa ng romantic angle ang dalawa. Siguro naman mas maganda nga na ngayon matupad na ang closure sa loveteam ng dalawa, na napakainit ng tambalan noon kaya inakala ng lahat na magiging sila sa tunay na buhay.

Now, maligaya na sila at may mga sarili nang buhay. Cute siguro ang magiging project nila at sure na kilig pa rin kahit na nga alam mo na ilusyon na lang. Sana nga mangyari na, now na now na, Salve.

vuukle comment

LADY GAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with