^

Pang Movies

Kissing tiktok nina Rk & Jane, trending sa views

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kissing tiktok nina Rk & Jane, trending sa views
Rk & Jane

May almost 500,000 views na ang TikTok ng new showbiz couple na sina RK Bagatsing at Jane Oineza na bago simulan ang pagsayaw, nag-kiss muna. Ayun, kinilig ang mga nakapanood at napuno ng heart emojis at mga comment na kinikilig sila ang comment box ng Instagram ni RK kung saan, naka-post ang TikTok nila ni Jane.

Ang cute ng comments, may fan si Jane na pinaalalahanan si RK to take care of Jane, pakaingatan daw  at ‘wag sasaktan. Pero, mas marami ang natuwa at masaya para sa dalawa at wish nila, magtagal ang kanilang relasyon.

Mayor Goma, gusto ring mag-paragliding

Nainggit kay Ian Veneracion pati mga kaibigan sa showbiz nang mapanood ang video habang nasa taas siya, nasa kalawakan at nagpa-paragliding. Tila umabot sa Zambales ang aktor sa binanggit nitong ”Wow! A Wellspent weekend! Ang ganda talaga ng Pilipinas.”

  Pati si Richard Gomez napa-“I want” at sagot sa kanya ni Ian, siguradong magugustuhan ni Goma ang paragliding lalo na kung sa Ormoc nito gagawin. Imadyinin na lang daw ni Goma ang sunrise o sunset sa Ormoc.

  And speaking of Ian, nakatutuwa na kahit alam ng lahat na married siya at malalaki na ang mga anak, may mga kinikilig pa rin sa tambalan nila ni Bea Alonzo. Ang dami pa ring request na muli silang magtambal sa telebisyon lalo na at tapos na ang comedy show ni Ian sa TV5.

Dingdong mapapanood sa 2 serye

 Bongga si Dingdong Dantes dahil kapag nagsimula ang re-run ng Endless Love nila ni Marian Rivera sa June 7 at umeere pa rin that time ang Ang Dalawang Mrs. Real, dalawang beses siyang mapapanood sa GMA-7. Masaya nito ang fans ng aktor dahil napapanood na siya sa Afternoon Prime mapapanood pa rin siya sa primetime.

 Afternoon series ang Ang Dalawang Mrs. Real na kung saan, inaabangan na ng viewers ang eksenang sasampalin ni Maricel Soriano si Dingdong ng 23 times.

Samantala, ‘wag kaligtaang panoorin ang Amazing Earth mamaya, bago mag- 24 Oras Weekend.

Damit ni Rabiya at Miss Thailand, ikinumpara sa super twins

 Aliw ang reaction ni Jennylyn Mercado sa comments ng netizens na inihalintulad sa kulay ng costume nila ni Nadine Samonte sa Super Twins ng GMA-7 ang kulay ng gown nina Rabiya Mateo at Miss Thailand Amanda Obdam.

 Yellow and blue ang color ng costume nina Jennylyn at Nadine sa Super Twins at gan’ung kulay rin ang suot nina Rabiya at Amanda sa finals ng Miss Universe kung saan, tinawag na ang Top 5 holding hands pa sina Rabiya na yellow ang gown at si Amanda na blue ang gown.

 Gumana agad ang malilikot na isip at imahinasyon ng netizens at ikinumpara sa costume nga nina Jennylyn at Nadine sa iconic fantasy series ng GMA-7. 

vuukle comment

JANE OINEZA

RK BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with