^

Pang Movies

Handang bumitiw sa showbiz... Glaiza gusto nang maging mommy!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Handang bumitiw sa showbiz... Glaiza gusto nang maging mommy!
Glaiza

Handa na ba si Glaiza de Castro na iwanan ang makulay at maingay na buhay sa showbiz ng isang artista? Sa isang interview mukhang looking forward na ang 33-year old actress na bida ng upcoming GMA Afternoon prime drama series na Nagbabagang Luha. Ito ay ang new phase raw ng buhay niya – that of being a mother, na tanggap daw niya bilang reality, kaysa pagiging artista. “May other side of life na hindi ko pa napupuntahan and I’m excited to be in that side and to be in that world na magiging nanay ka,” say pa ni Glaiza.

“Na-realize ko na mas reality ang maging nanay kaysa sa mga character na ginagampanan ko on-screen. Since na-engage ako kay David, nasa age na ako, as a woman, at fulfilment, di ba ng isang babae na magkaanak. Iyon na ang isa sa mga pangarap ko, magkaroon ng anak, na aalagaan ko siya and, of course, I have to step out of the limelight.

“Dahil sa pandemic, iba na ang setup natin sa showbiz, wala na ang studio, iyong regular taping day, naka-lock-in na tayo hanggang sa matapos ang serye na ginagawa natin,  Kaya kapag tapos na ang contract natin, ano na ang kasunod?”

Malapit nang mapanood ang Nagbabagang Luha na nagtatampok din kay Rayver Cruz.

Thia, hindi na itutuloy ang pangarap

Kung si Glaiza de Castro ay kaya nang iwan ang showbiz, si Miss Eco ­International 2018 Thia Thomalla ay kaya nang iwanan ang mundo ng pageantry at mag-concentrate na lamang sa showbiz. 

Kasabay ng pagkapanalo niya ng title in 2018 ay nag-sign na rin siya ng ­management contract with GMA Artist Center at nakagawa na rin ng ilang programa sa GMA Network.  At ngayon ay enjoy siya sa role niya bilang presidential security officer as PSG Val sa romantic-comedy series na First Yaya.

Sa kanyang role, dumaan sa mga training si Thia as the lone female PSG ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at bagay na bagay sa kanya ang role dahil sa height niya na hindi nalalayo sa kapwa PSG tulad ni Pancho Magno.

Last February, nagbigay na siya ng hint na wala na siyang interes na balikan ang beauty pageant scene: “The pandemic shifted our lives in ways no one ­imagined.  Today, I’m letting go of a dream. A dream I was ready to face again.  But sometimes life gives us a different path we have to embrace and celebrate.  I do know, God is preparing me, us, for what is to come.  Keep the faith.”

Alden, tuhog na ang taping

Busy na ngayon si Alden Richards sa lock-in taping ng GMA primetime series na The World Between Us, pero bago siya pumasok sa taping, tinapos na niyang mag-tape ng mga fresh episodes ng Bida Kid singing competition na  Centerstage.

Ngayong gabi, 7:40 PM, maaagaw pa ba kay Oxy Dolorito ang chance para maging 4th grand finalist, at magtuluy-tuloy na ang grand finals tungo sa first Centerstage champion?

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with