^

Pang Movies

Jennica kailangan na uling kumita!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennica kailangan na uling kumita!
Jennica

Pagkatapos aminin na ni Jennica Garcia na hiwalay na sila ng mister niyang si Alwyn Uytingco, nakatanggap siya ng maraming words of encouragement mula sa kanyang mga kaibigan at netizens sa social media.

Pero meron din daw na sinesermonan siya dahil sa pakikipaghiwalay nito kay Alwyn. Pero quiet lang si Jennica sa tunay na dahilan kung bakit  nauwi sa hiwalayan ang inakala’y masayang pagsasama nila ni Alwyn.

Pagkatapos ng anim na taon at dalawang anak, nakapagdesisyon si Jennica na itaguyod ang buhay nilang mag-iina na wala na si Alwyn sa buhay nila.

Kaya naman bumalik ulit sa pagiging aktibo sa showbiz si Jennica para mabuhay niya ang mga apo ng inang si Jean Garcia. “From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made,” diin ni Jennica.

“That’s the most that I could say right now. It’s the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan ko bumalik sa pag-a-artista,” sey ni Jennica na kasama sa cast ng upcoming GMA teleserye na Las Hermanas.

Brothers and Sisters ni Gazini, grabe ang trauma sa gulo sa Gaza

Natatakot si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa kalagayan ng kanyang ama at mga kapatid sa Middle East dahil nasa gitna sila ng lumalalang giyera ng Israel at Palestine.

Worried si Gazini sa kanyang ama na nakatira sa Gaza. Nag-uusap daw sila parati via video call para makita niyang safe ang ama. “My Papa showing me what 7 pm looks like in Gaza... Look at him smiling at the view amidst all the chaos. I can only imagine the trauma my brothers and sisters are going through and hope for them to still remain kind and hopeful in this cruel situation. Praying for everyone’s safety,” post ni Gazini sa kanyang IG Stories.

Dagdag pa niya: “Give your loved ones a hug a kiss and show them how much you truly love and care for them, before it’s too late.”

Marami na raw namatay dahil sa nagaganap na airstrikes between Israel and Gaza. Kelan lang ay bumagsak ang isang 13-floor building kung saan naroon ang Qatar-based Al Jazeera television and American news agency The Associated Press in the Gaza Strip.

vuukle comment

JENNICA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with