Joshua at Kira, parang batang John Lloyd at Bea
Kinilig at nagulat din ba kayo noong nakita ninyong magtambal sina Joshua Garcia at Kira Balinger?
Alam mo ba, Salve, sa pakiusap ni Leah Salterio tungkol sa Dr. Alvin Kojic Acid soap, biglang nagkaroon ako ng awareness kina Joshua at Kira.
Bihira na kasi akong manood ng TV dahil sa kabababad ko sa aking iPad sa panonood ng mga Koreanovela kaya bihira kong makita sina Joshua at Kira.
Ang lakas pala ng chemistry ng dalawa kaya kinuha silang endorser ng Dr. Alvin Kojic Soap na bagay naman dahil nakita mo ang magandang kutis ng dalawang stars.
Cute talaga si Joshua, parang younger version ni John Lloyd Cruz, at ang ganda rin ni Kira, mala-Bea Alonzo ang dating.
Fresh na fresh din si Joshua, talagang nakatagpo nga ng para sa kanya. Si Kira naman, fine young woman ang arrive sa kanyang role.
Ang lakas makaganda at astig makaguwapo ng Dr. Alvin Kojic Acid Soap ha!
Kaya talagang angat ang ganda at galing ng dalawang ito.
Ano pa kaya ang naghihintay sa kanila? Hugot na hugot ang lines, parang totohanan na ito ha!
- Latest