^

Pang Movies

Billy at Coleen, naiba ang buhay nang magkaanak!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Billy at Coleen, naiba ang buhay nang magkaanak!
Billy, Amari at Coleen

Sa darating na September 10 ay mag-iisang taon na ang first baby ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari. Hindi ikinakaila ng couple na kakaiba ang dulot na kasiyahan sa kanila magmula nang duma­ting sa kanilang buhay ni Baby Amari.

Dahil sa pandemic, mas matagal ang kanilang bonding time with Baby Amari na hindi pa nakikita nang personal ng parents ni Billy na parehong naka-base sa Amerika.

Ang mag-asawang Billy at Coleen ay ikinasal noong April 20, 2018 at noong September 10, 2020 naman dumating ang kanilang first born.

Rachel Peters, buntis na

Camarines Sur Governor Miguel Luis ‘Migz’ Villafuerte (32) is soon to become a father dahil 18 weeks pregnant ngayon ang kanyang fiancée, ang 29-year-old Fil-British 2017 Miss Universe Philippines na si Rachel Peters.

The couple got engaged in November 2019 and was supposed to get married last year in Indonesia pero ito’y naurong dahil sa COVID-19 pandemic.

The engaged couple was in a long relationship (five years) bago nabuntis ang dating beauty queen.

Lorin, namana ang ugali ni ruffa

Talagang may pinagmanahan ang 17-year-old showbiz newbie na si Lorin Gutierrez Bektas, panganay sa dalawang anak ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. “She’s quite a talker just like her mom,” ito ang nagkakaisang pahayag ng entertainment press at vloggers sa isang virtual press conference na may kinalaman sa kanyang paglagda ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) kamakailan lamang.

Kung napakaganda ng PR ng kanyang inang si Ruffa, mukhang namana ito ng kanyang panganay bukod sa good looks at pagiging matalino.

Si Lorin bale ang pinakabago, pinakabata at ikatlong henerasyon ng Gutierrez showbiz royalty na pinangungunahan ng dating Sampaguita matinee idol na si Eddie Gutierrez, ang kanyang grandfather.  Habang lola naman niya ang dating aktres-turned talent manager and businesswoman na si Annabelle Rama.

Bukod sa inang si Ruffa, mga tiyuhin niya sina Richard and Raymond, Rocky, Elvis, Ritchie Paul bukod pa kina Ramon Christopher and Tonton Gutierrez at pinsan naman niya ang magkapatid Janine at Diego Gutierrez.

Sa darating na August 3 ay 18th birthday ni Lorin pero dahil sa sitwasyon ngayon ng pandemic ay hindi umano siya magkakaroon ng grand debut party at sa halip ay ise-celebrate lamang niya ito with the members of her family.

Samantala, sa kabila ng pagpasok ni Lorin sa showbiz sa tulong ng Viva, hindi umano niya pababayaan ang kanyang pag-aaral lalo pa’t magka-college na siya.

“I know it’s not gonna be easy but I will try to balance everything between my studies and my showbiz career,” pahayag pa niya.

 

 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with