^

Pang Movies

BF ni Rabiya, distracted sa pagre-review

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
BF ni Rabiya, distracted sa pagre-review
Rabiya at BF

Natuwa ang mga nakabasa sa Instagram Story ng boyfriend ni Miss Universe Philippines na si Neil Salvador ng reaction niya nang mapanood ang Miss Universe preliminaries. Nabanggit ni Neil na napatigil siya sa pagre-review at natulala nang mapanood ang girlfriend na rumarampa sa stage kung saan ginawa ang preliminaries.

“Review: paused jaw: dropped, heart: poun­ding eyes: (crying emoji)” ang caption ni Neil sa screenshot ng pagrampa ni Rabiya.

May mga nag-comment na napakasuwerte ni Neil sa pagkakaroon ng beauty queen GF (lalo na kapag nanalong Miss Universe si Rabiya). May mga nag-comment namang masuwerte rin si Rabiya sa pagkakaroon ng supportive BF.

Nurse sa St. Luke’s Medical Center si Neil, ito ay kung hindi pa siya lumilipat ng hospital. Nakasulat kasi ang location ng nasabing hospital sa isa sa post niya sa IG.

John Lloyd at Derek, pagsasamahin uli sa pelikula?!

Present si Maja Salvador sa photo shoot ni John Lloyd Cruz para sa Crown Artist Management na siya nang magma-manage ng career ng aktor. May behind-the-scenes o BTS kaming nakita kung saan, magka­tabing tsinitsek ng dalawa ang result ng photo shoot. May larawan ding kinakausap ni Maja si John Lloyd in between takes.

Anyway, na-interview si John Lloyd ni Ceasar Soriano sa PTV  nabanggit ng aktor na isa sa project niya ay ang reunion movie nila ni Bea Alonzo under Star Cinema and to be directed by Cathy Garcia-Molina. Sabi rin nito, may mga makakasama sila ni Bea sa cast na nakasama nila sa ginawa nilang pelikula na One More Chance.

Nakasama nila ni Bea sa One More Chance sina Maja at Derek Ramsay. Si Maja puwede pa sigurong makasama sa cast ng reunion movie nila ni Bea, pero si Derek, posible kaya? Nabanggit din naman ni Derek na okay sila at nagkikita kapag sinusundo ni John Lloyd ang anak niyang si Elias.

Maganda ang interview kay John Lloyd at nakuwento na malaki ang ipinagbago ng kanyang body clock at nagbago na rin ang kanyang routine mula nang mapahinga sa shooting, taping at iba pang showbiz commitments. Maaga na rin daw siyang nagigi­sing at mas nauuna pa siya sa sikat ng araw.

Inaalagaan daw niya ang kanyang katawan dahil survival ang panahon ngayon at kailangan malakas para makalaban. Payo ni John Lloyd, mag-exercise, gumalaw, magpapawis, magpaaraw at ‘wag magpako sa sofa at kama.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with