^

Pang Movies

Hindi na bagito sa pulitika...

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

May karapatan si Sen. Manny Pacquiao na tumakbo sa mataas na position ngayong 2022. Marami siyang alam sa takbo ng pamahalaan.

Hindi na siya bagito at marami nang natutulungan. Meron na rin siyang mga nabigyan ng bahay at tulong galing sa sariling bulsa.

Napahanga ni Sen. Manny ang netizens noong sabihing tutulong itong maitaboy ang mga barkong Intsik beho na naka-standby sa West Philippine Sea.

Barako kasi si Manny at puwedeng katakutan sa kanyang pagpapaalis sa mga dayuhang umaabuso sa Filipino fishermen.

Ibang mga kaeksena nina Michael, hindi na kilala

Nakakapagod ding sagutin nang paulit-ulit ang katanungan ng follo­wers ng FPJ’s Ang Probinsyano kung sinu-sino ba ang mga kaeksena ni Richard Gutierrez sa naturang serye ni Coco Martin. Natural, hindi nila kilala kung sinu-sino ang mga nag-uusap sa eksena maliban kina Michael de Mesa at Bubbles Paraiso.

Sinobalasi raw ang tanong nila.

Nakakahabag naman ang sitwasyon nina Raymart Santiago, Angel Aquino at iba pang mga tauhan ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin sa istorya dahil pinalalayas na nina Joel Torre at Shamaine Buencamino sa kanilang tirahan ang naturang grupo.

Kahabag-habag ang grupo nila dahil sa simula pa lang ng seryeng Ang Probinsyano, wala nang ginawa kundi ang magtago. Kailan daw kaya madadakip si Coco na animo’y may agimat sa pakikipaglaban.

Mga ayuda sa Baliuag, pinadadaan na sa simbahan

Sa Baliuag, Bulacan ay may mga grupo ng mga mayayaman at mga sibikong tao ang namimigay ng ayuda sa Baliuag community pantry na idinadaan sa simbahan ng aming bayan.

Marami kaming nakausap na sobra ang pasasalamat sa pantawid-gutom na natatanggap nila. Sana raw huwag namang pigilan ang mga namimigay ng tulong dahil hindi naman kayang gampanan ng mga humaharang pakainin ang mga nagugutom na gaya nila sabi ni Lord.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with