^

Pang Movies

Kim, naapektuhan sa Kaka ni Jerald!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kim, naapektuhan sa Kaka ni Jerald!
Jerald at Kim

Magpi-pitong taon na rin ang relasyon ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles pero wala pa rin umano sa kanilang plano ang pagpapakasal kahit 38 na ang singer-actor, comedian na si Jerald at magti-thirty naman sa July 1 si Kim. “Pareho kasi kaming late bloomer ni Kim sa showbiz at ngayon pa lamang talaga gumaganda ang respective career namin,” paliwanag ni Jerald.

“Sa case ko, I’m willing to wait for her when she’s ready to start a family with me,” dugtong pa niya.

Sina Kim at Jerald ay unang nagkalapit sa isa’t isa sa hit musical play na Rak of Aegis  in 2014. Marami umano silang common interests kaya sila nagkakasundo at passion nila pareho ang singing and acting na siyang nag-link sa kanilang dalawa.

Kahit parehong actors sina Kim at Jerald, hindi ikinakaila ng una na may pagka-conservative umano siya pagdating sa kanilang relasyon kaya naging emotional siya nang malaman niya ang mga eksena ni Jerald sa sexy-comedy na Kaka na laun­ching movie ng vlogger-turned sexy actress na si Sunshine Guimary.

Pero pagkatapos ng paliwanagan ay naging bukas si Kim sa kanyang pang-unawa that Jerald is an actor and he’s just portraying a character tulad din naman ng ginagawa ni Kim sa kanyang mga pelikula at TV series. “Ngayon kahit puwet niya puwede na niyang ipakita,” biro ni Kim about Jerald.

Ang maganda kina Kim at Jerald, they discuss things at home pati na ang projects na kanilang gagawin para walang maging issue.

Si Kim ay nagmula sa isang conservative family at lumaki siya sa Saudi Arabia na marami rin ang restrictions lalo na sa mga kababaihan. Pero ang maganda kay Kim ay madali siyang nakapag-adjust sa showbiz culture.

After the hit movie na Jowable, sina Kim at Jerald ay muling magkatambal sa upcoming Vivamax offering na Ang Babaeng Walang Pakiramdam mula sa panulat at direksiyon ng millennial director na si Darryl Yap na siya ring sumulat at nagdirek ng hit launching movie ni Kim noong 2019, ang Jowable under Viva Films.

Ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam ay nakatakdang ipalabas sa darating na June 11 sa Vivamax at iba pang digital platforms.

Sharon, hindi first time naglayas

Sa ikalawang pagkakataon, muling nangibang bansa ang Megastar na si Sharon Cuneta na mag-isa na walang kasama ni isa man sa kanyang pamilya.

Kung matatandaan pa, hindi ito ang first time na nangibang bansa si Sharon mag-isa. Nangyari na rin ito noon noong kasagsagan ng kontrobersiya na problema umano noon ang pagsasama nila ng kanyang husband na si Sen. Kiko Pangilinan. Pero bumalik din si Sharon at since then ay naging maayos na ang kanilang relasyon ng kanyang mister.

Lately ay naging sickly si Sharon kaya siguro siya nagdesisyong magbakasyon sa Amerika na mag-isa.

Bayani, forever devoted sa Pamilya

Napakasuwerte ng misis ng singer-actor-comedian na si Bayani Agbayani na si Len-Len dahil napaka-devoted husband and father nito sa kanyang kanyang pamilya.

Ang mag-asawang Bayani at Len-Len ay nabiyayaan ng apat na mababait na anak na pawang babae – sina Maria Thalia, Rosalinda, Mary Mar at Maria Sabrina.  Sa apat, isa pa lamang ang may asawa, ang panganay na si Thalia at meron na silang isang one-year-old son ng husband niyang si James na si Santiago Vito. Si James ay younger brother ng actress na si Bea Alonzo who owns a vast and of 12 hectares sa Zambales kung saan ngayon naka-base ang kanilang ina at pamilya ni James.

“Napakabait ni Bea at ng kanyang pamilya,” pahayag ni Bayani.

“Kaya masaya na rin ako na kahit agad nag-asawa ang panganay ko after her studies ay tinapos muna nila ang kanilang pag-aaral ni James,” ani Bayani na ang tatlo pang anak ay nag-aaral pa, dalawang college sa UST at isang high school.

Si Bayani ay isang Marian devotee.

vuukle comment

JERALD NAPOLES

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with