Mga kanta nina Julie Anne at Ruru, pasok sa Ballad International ng Spotify
MANILA, Philippines — Parte ng ‘Ballad International’ playlist ng Spotify ang ilang mga kanta nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso actor Ruru Madrid, bagay na ipinagmamalaki ng kanilang avid fans at listeners.
Ayon sa Spotify, ang collection na ito ay naglalaman ng “world’s best emotional songs.” Pasok dito ang cover ni Julie Anne ng Your Song ng Parokya ni Edgar pati ang single ni Ruru na Maghihintay under GMA Music.
Kilala ang talento ng dalawa kaya naman lagi silang inaabangan tuwing Linggo sa weekend variety show ng GMA na All-Out Sundays.
- Latest