^

Pang Movies

Andrea, nawindang sa mga natanggap na mamahaling regalo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea, nawindang sa mga natanggap na mamahaling regalo
Andrea

Proud na ipinakita ni Andrea Brillantes sa pamamagitan ng kanyang “unboxing” vlog ang mga regalong natanggap niya nang magdaos siya ng kanyang 18th birthday last March.

Almost P1 mllion daw ang halaga ng mga birthday gifts kaya naman masayang-masaya ang dalaga dahil ngayon lang daw siya nakatanggap nang ganito ka-expensive na mga regalo.

Karamihan sa mga natanggap niya ay designer bags tulad ng Louis Vuitton, Gucci and Prada.

“’Eto talaga ‘yung pinaka-first time na nakatanggap ako ng mga designer na mga bagay,” she said.

Nakatanggap din siya ng mga alahas at sey niya, hindi raw siya sanay magsuot ng mga totoong alahas. Mga fake jewelries lang daw ang isinusuot niya na understandable naman dahil ngayon pa lang naman siya naging dalaga aside from the fact na breadwinner siya of the family.

Natawa nga kami sa young actress sa kanyang sinabi habang ipinapakita ang gold ring na natanggap niya. Hindi niya kasi alam kung paano i-pronounce ang gusto niyang sabihin. “Pasensiya na talaga, first time ko talagang makatanggap ng mga ganitong bagay, so wala pa ako sa Heart Evangelista level na ‘this is an 18-karat kyeme kyeme.’”

May mga nagregalo rin sa kanya ng designer shoes and slippers at biro  nga niya, mas maganda pa raw ang mga tsinelas na ‘yun kaysa sa paa niya.

Ipinakita rin niya ang Gucci bag na natanggap niya mula kay Ivana Alawi na first birthday gift daw na na-receive niya.

May mga natanggap din si Andrea na appliances at mamahaling hair blower worth P29,500.00, Gucci belt and scarf.

Ang huling in-unbox niya ay ang regalo sa kanya ng nanay niya sa Kadenang Ginto na si Dimples Romana. Isa itong red personal ref para sa kanyang kuwarto at tuwang-tuwa ang young actress dahil pangarap daw niya ito.

“Hindi siya ordinary ref. Ito ‘yung gusto kong brand. Pangarap kong magkaroon ng red na ref sa kuwarto ko, sinabi ko talaga kay ate Dimps,” sey ni Andrea na kasalukuyang napapanood ngayon sa Kapamilya ser­yeng Huwag Kang Mangamba.

Ken, magbubukas ng restaurant

Nakakatuwa naman si Ken Chan na sa gitna ng pandemic ay pinaiiral pa rin ang kasipagan at tinutupad pa rin ang kanyang mga pangarap. Ngayon ay naisip naman niyang magtayo ng isang restaurant. “Dahil hindi po ako masyado makalabas ng bahay, ito po ‘yung pagkakataon ko para mag-conceptualize ng mga business,” pagbabahagi niya sa Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition.

Ang pangalan ng itatayo niyang restaurant ay Made In Wok na isang Pan Asian cuisine.

“Isa po sa mga itatayo kong business ngayon ay isang restaurant sa Tomas Morato.

“It’s a Pan Asian cuisine po at dito malalasahan ng mga tao ang pagkain sa countries sa Asia tulad ng Thailand, China, Japan, India, Singapore, Indonesia, Philippines. Ibibigay po natin sa kanilang lahat ‘yan,” ani Ken.

Samantala, abangers na ang mga RitKen fans sa seryeng Ang Dalawang Ikaw nina Ken at Rita Daniela na malapit nang mapanood sa GMA 7.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with