^

Pang Movies

Kim, inaming ‘di magaling mag-Ingles

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, inaming �di magaling mag-Ingles
Kim

Inamin ni Kim Chiu na isa sa insecurities niya ay hindi siya fluent sa English. Napag-usapan nila ito sa It’s Showtime last Saturday sa Tawag ng Tanghalan segment.

Bigla kasing nadako ang usapan sa insecurities and imperfections sa katawan at tinanong ni Vice Ganda si Kim kung ano ang insecurity niya. “Ako? Nahihiya ako, hindi ko kayang makipag-usap sa mga fluent English,” pag-amin ni Kim.

Sagot naman ni Vice, “ha??? Daldal-daldal mo rito, hindi mo nga maintindihan kung kelan ka hihinto.”

Katuwiran naman ni Kim, “hindi English dito, Tagalog dito, ‘Ma, eh.”

Sey naman ni Vice, “magaling kang mag-English.”

Sabi naman ulit ni Kim, “pag tinapat mo na ako sa totoong English-speaking, medyo ano na tayo dyan… ’ah, thank you, talk to you later,’” sabay-tawa ng aktres.

Pero say naman ni Vice Ganda, kahit naman mga Amerikano ay hindi rin perfect mag-English at dedma naman daw ang mga ito kahit mali-mali ang Ingles mo. Pero ang kapwa-Pilipino talaga raw iko-correct ka pa.

Oo nga naman.

Fanny, nasa bahay na

Nakalabas na pala ng hospital ang sikat na celebrity stylist na si Fanny Serrano. Ito ang ibinalita ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram kasabay ang pasasalamat na ligtas na ang matalik na kaibigan.

“THANK YOU SO MUCH, EVERYONE FOR ALL YOUR PRAYERS!!! I am happy to tell you that TF is now home, recuperating and on his way to a happy 100 more years! God still performs miracles in the present day. Praise Him,” ang post ni Sharon.

Matatandaang noong Marso ay isinugod sa hospital si Fanny after suffering a massive stroke.

Kris, naimpluwensyahan ni Heart sa pagbili ng Hermes

Sa mga nagdududa na nagparetoke ng ilong si Kris Bernal, sinagot ito ng aktres sa kanyang pa-Q&A sa Instagram.

Isang netizen kasi ang nagtanong kung retokado ba ang ilong niya.

Sagot ni Kris, “a lot of people think I had a nose job but I was born with a matangos na ilong.”

Kasabay nito ay ibinahagi ni Kris ang old photo niya noong 12 years old siya at kitang-kita nga na matangos na talaga ang ilong niya.

Isa rin sa sinagot niya ay ang tanong kung idol ba niya si Heart Evangelista kaya nagkokolekta rin siya ng Hermes bags. “True that I am a big fan of Heart! Being famous, rich, and humble are different jobs and not every person can do it simultaneously but she can.

“She’s one of most humble and loveable people off camera. And, she reflects extreme gratitude for the people around her whatever your status in life is,” ani Kris.

Tungkol sa pagko-collect ng Hermes bags, sagot ni Kris, “false that I’m collecting Hermes bags because of her. I just love Hermes too. And mine, is not even a collection.”

Sinagot din ni Kris ang tanong kung church wedding ba ang magaganap sa kanila ng fiancé na si Perry Choi. “Definitely,” she replied.

Sa kasalukuyan ay nasa planning stage na sina Kris at Perry ng kanilang kasal na magaganap this year.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with