^

Pang Movies

Ellen magtatrabaho muna, mapapahinga kay Derek!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ellen magtatrabaho muna, mapapahinga kay Derek!
Ellen

May season 2 ang John En Ellen nina John Estrada at Ellen Adarna sa TV5 at sa video ni John, ibinalitang sa May 9, na magsisimula ang airing ng Season 2.

Kaya, magtapos man ang Babawiin Ko ang Lahat, tuloy pa ring si John sa TV5. Sabi ni John, bubble taping ang mangyayari sa kanilang sitcom, lock-in din ito at walang uwian hanggang hindi natatapos ang mga episode.

Naku, paano na si Derek? Mami-miss nito si Ellen kung matagal mawawala at hindi niya makikita. Bawal pa naman yata ang dumalaw sa taping kahit dyowa.

Endless Love ng DongYan, mapapanood uli

Ibabalik ng GMA 7 ang adaptation nila ng Korean series na Endless Love na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang sina Johnny at Jenny respectively. Kasama rin sa cast sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla at sina Tirso Cruz III at Sandy Andolong.

Sina Kathryn Bernardo at Kristoffer Martin ang gumanap na young Jenny at Johnny at sina Mac Alejandre at Andoy Ranay ang directors. Kung hindi sa First Yaya, sa time slot ng Owe My Love ilalagay ang Endless Love dahil parang malapit nang magtapos ang dalawang primetime series at hindi pa ready ang Legal Wives.

Matutuwa nito ang fans nina Dingdong at Marian na matagal nang nagre-request na muling mapanood ang mag-asawa sa isang show.

Si Marian kasi, sa Tadhana lang napapanood, pero bilang host kaya limited ang exposure at si Dingdong naman ang director na behind the camera rin, kaya hindi nakikita.

Donnalyn, mas gustong mag-ampon ng aso’t pusa kesa mag-anak

Maganda ang naging sagot ni Viva artist talent na si Donnalyn Bartolome sa nag-suggest na dapat magkaroon na siya ng anak dahil mahirap tumanda ng walang

anak.

Sagot ni Donnalyn, “Mas mahirap tumanda na gaga­wing retirement ang mga anak. Have children because you want to experience the joys of being a parent. Not with the intention of obligating them of a responsibility that isn’t theirs.”

Dagdag pa ni Donnalyn, mas dapat nag-i-invest ng money sa business, health at life insurance ang mga tao sa halip na gustuhing magkaanak para lang may mag-aalaga sa kanilang pagtanda.

Sabi pa ni Donnalyn, dapat mag-adopt na lang ng aso at pusa kesa gustuhing magkaanak. “Over populated naman na rin tayo. Mag-aso o pusa ka na lang.”

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with