^

Pang Movies

Dennis at Julia, inungkat ang pinagdaanang pain, trauma, hurt...

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dennis at Julia, inungkat ang pinagdaanang pain, trauma, hurt...
Julia at Dennis

Nabuhay sa vlog ni Julia Barretto ang mga pinagdaanan nila ng amang si Dennis Padilla particular na ang pagpapatanggal sana niya noon ng last name ng komedyanteng ama sa chikahan nila na may pamagat na “Questions I’ve Never Asked My Dad.”

Common knowledge sa showbiz na gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan noon.

Nag-file pa diumano noon ang girlfriend ni Gerald Anderson sa korte ng petition to change her last name last 2015.

Pero nang ma-debut si Julia ay nagsabi itong hindi na niya ipare-remove ang Baldivia sa kanyang last name.

Moving forward, nagkaayos na sila pero aminado pa rin si Dennis na isang COVID survivor na naging masakit sa kanya ang ginawa ng anak noon. “That was a dagger. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, kilala ka nang Barretto, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin ‘yun,” sabi komedyante kay Julia na blooming at alam mong in love.

Sinabi pa ni Dennis na kaya lang naman siya nagpa-interview noon tungkol sa nasabing issue dahil wala sa kanyang gustong makipag-usap. Frustrated daw talaga siya dahil walang sumasagot. “I was frustrated. No one wants to talk about it. Walang gustong makausap sa akin. Hindi ko maintindihan ano ang dahilan kung bakit kailangan ipatanggal? Baldivia ka naman talaga kasi ako ‘yung tatay mo. Makakabawas ba ‘yun sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba sa popularity mo? No,” banggit ni Dennis.

Pero sinagot siya ng anak na hindi alam ng kanyang ama ang binigay na pain nito sa kanila kaya hindi sila sumasagot noon. “You question why you feel like nobody’s responding, not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us. That’s why you couldn’t hear from us. We were already too pained, too scared of you.

“I wish you would also recognize and acknowledge the fact that maybe ‘I have done something to scare my kids off.’ Before, when we would speak over the phone, you wouldn’t always have the best tone and the best choice of words. That scared me, that traumatized me, that scared me.”

In the end, sinabi naman nito gusto niyang makabawi sa mga anak. “Sana mabigyan ako ng chance na makabawi sayo, hindi lang naman sa iyo ako may atraso, sa marami rin. Hindi ko alam kung makakabawi pa ako, pero kung saan ako aabutin.”

Nabanggit din ni Dennis sa nasabing vlog ni Julia ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Marjorie noon : “It became rocky because of my attitude, my temper. Ang dami kong pinagdaaanan kaya ako naging ganoon. Ang mommy mo, ang dami ring pinagdaanan na pagsubok dahil sa ugali ko,” pag-amin pa niya.

Rufa Mae, level up ang career sa Amerika

Pak na pak, may pasabog si Rufa Mae Quinto.

Hollywood na raw ang level niya matapos mag-pictorial para sa isang showbiz magazine sa San Francisco.

More than a year nang nasa Amerika si Rufa Mae with her husband na isang pulis kasama ang isang anak nila.

“Pasabog for the week ! I had the pleasure of shooting with one of San Francisco’s Top Photographers @vinniegotti for an upcoming magazine cover in Showbiz Hollywood @showbizmagazine. It will be release May 11th. All oscars celebrities kasabay ko na. Walang impossible. Abangan ninyong lahat at Todo Con Todo na To! Go Go Go !!!! Follow @vinniegotti for more happiness and loveliness . Di ko Ma explain sa asawa ko na nasa Hollywood cover magazine na ako, Kasi di ako makapaniwala into in Hollywood magazine with the best of the best . Natawa ako habang sinasabi ko sa asawa ko na hollywood nga ito. Salamat sa Lahat na miss ko mag pose ng ganito ... So proud to be a Filipino! Hinde na ito joke,” chika ni Rufa Mae sa kanyang Instagram account.

Sa Amerika sila na-lockdown nang magkaroon ng pandemic.

Last Saturday ay napanood siya sa Eat Bulaga (virtually) at in all fairness, may aliw pa rin ang mga hirit niya.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with