^

Pang Movies

Sanya ‘di naging problema na tuhog kina Bong at Gabby

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sanya �di naging problema na tuhog kina Bong at Gabby
Sanya

Tinutukan ng netizens ang world premiere ng Agimat ng Agila last Saturday evening, sa GMA Network.  Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng nagbabalik-telebisyon na si Ramon “Bong” Revilla Jr. sa mainit na pagtanggap sa kanya.

May mga naghanap naman sa bagong leading lady ni Bong, si Sanya Lopez, pero ang ipinakita muna nila ay si Bong bilang si Major Gabriel Labrador, ang wife niyang si Dr. Myrna Labrador, played by Sheryl Cruz at ang anak nilang si Wacky Labrador played by child actor Yuan Francisco.

Napapanood ang Agimat ng Agila every Saturday, 7:15 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Hindi naman nagiging problema sa taping ng Agimat ng Agila si Sanya Lopez, dahil nakapag-tape na siya ng mga eksena niya noon pa bago siya nagsimula ng lock-in taping sa isa pa niyang teleserye, ang First Yaya.

Nasa 4th lock-in taping na ngayon ang top-rating primetime show na First Yaya nila ni Gabby Concepcion kaya naman tuluy-tuloy ang airing nila.

Mas excited ngayon ang netizens na sumusubaybay sa kanila dahil masaya silang mas pinili na ni President Glenn Acosta (Gabby) si Yaya Melody kaysa sa suplada at mataray na si Lorraine, played by Maxine Medina. 

Lovi, hindi pa nakakapag-decide

Wala pang sure answer si Lovi Poe kung totoong lilipat siya sa kabilang network. Pero ang ma­nager niyang si Leo Dominguez ang nagsabing may contract pa si Lovi sa GMA Network hanggang end of May, dahil may romcom series pa siya rito, ang Owe My Love.

Kasalukuyan pang nasa USA si Lovi dahil dinalaw niya roon ang boyfriend niyang si Monty Blencowe.  Pero ayaw pang magsalita si Lovi: “Ayaw ko pang magsalita, saka na lamang kapag ayos na ang lahat,” wika pa ni Lovi.

May balita kasing pinigilan daw ng GMA Network ang paglipat ni Lovi.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with