^

Pang Movies

Miguel, sa bundok nagre-relax!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Miguel, sa bundok nagre-relax!
Miguel

Ang paborito palang gawin ni Miguel Tanfelix para makapag-relax kapag may natapos na itong teleserye ay ang mag-mountain climbing.

Kapag namundok daw ang Kapuso heartthrob, nakakaramdam siya ng kapayapaan at nare-release niya ang anumang tensyon at stress sa kanyang katawan.

Isa rin daw paraan ang pamumundok para maiba ang paligid niya at ma-appreciate niya ang nature.

Huling napanood sa I Can See You: #Future si Miguel at dahil sobra raw siyang na-pressure sa role niya roon, after na mag-last taping day sila ay umakyat ito agad ng bundok para mapahinga ang utak at katawan niya.

Sunod na gagawin nj Miguel ay ang Voltes V: Legacy kung saan gaganap siya bilang ang leader na si Steve ­Armstrong.

First time gaganap na leader si Miguel sa isang TV series. Kaya gusto niyang maging magaan ang lahat bago magsimula sa trabaho kaya’t namundok muna siya.

Glaiza, aminadong hindi kayang mag-isa

Ibinahagi ni Glaiza de Castro ang naging experience niya noong mag-isolate siya nang mag-positive sa COVID-19.

Noong mag-isa lang daw ang Kapuso actress sa kanyang condo unit, doon niya na-realize na di niya pala kayang mag-isa at malayo sa family niya.

“Sabi ko ang hirap pala na mag-isa ka lang talaga. Parang all the while, ito ‘yung gusto kong mangyari na mag-isa ‘ko na magkaroon ako ng space, ‘yung ganun na walang magba-bother sa ‘kin, na wala ako na kahit anong susundin.

“Parang ang ironic nga e. For a while, masaya s’ya kasi magse-setup ka ng lugar mo the way you want it to be tapos ‘yung time talagang nasa ‘yo lang. May time na kinausap ko ‘yung sarili ko na kaya ko ba na ganito ako nang matagal na ilang beses pa.

“So tumawag ako sa nanay ko. Sabi ko talaga, ‘Nay ‘di ko kaya na tumira sa isang building. Ayoko tumira sa building.’”

“’Di ko pala kaya na mag-isa ‘ko tapos malayo ‘yung pamilya tapos hindi ako makalabas ng bahay na, oo ang dami naming nasa building na ‘yun. Ang dami kong kapitbahay pero ni isa do’n, wala akong kausap.

“So na-appreciate ko ‘yung mga kaibigan ko na tumatawag sa ‘kin. Na-appreciate ko lalo ‘yung parents ko, ‘yung mga kapatid ko na kinakamusta ako kasi napakaimportante no’n na kahit sabihin mo pang nakuha mo ‘yung freedom na ‘yun, hindi mo masabi na kaya mo on your own. Laging may times na hahanapin mo ‘yung times na pinapagalitan ka, whether kaibigan mo ‘yan, kasi magkakamali at magkakamali ka.”

Malapit nang mapanood ulit si Glaiza sa GMA teleserye na Nagbabagang Luha.

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with