^

Pang Movies

SB19 nangangailangan ng suporta ng fans

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
SB19 nangangailangan ng suporta ng fans
Bukod sa SB19, ang iba pang nominees ay ang American singer-actress na si Ariana Grande at ang tatlong sikat na K-Pop groups na BTS, Seveenteen at Blackpink.

Kung magkakaisa lamang ang Filipino K-pop fans na bumoto sa sariling atin para sa P-pop na SB19, malaki ang chance na mapanalunan ng grupo ang ­Social Artist Award mula sa Billboard Music Awards 2021 na nakatakdang ganapin sa Microsoft Theater ng Los Angeles, California, USA sa darating na May 23 at 8 p.m. 

Bukod sa SB19, ang iba pang nominees ay ang American singer-actress na si Ariana Grande at ang tatlong sikat na K-Pop groups na BTS, Seveenteen at Blackpink.

Ang SB19 bale ang kauna-unahang Filipino boy band na pumasok sa Social Artist category ng Billboard Music Awards. Ang nasabing kate­gorya ay idinagdag ng Billboard Music Awards dahil sa lakas ng impact sa mga social media sharing app dahil sa fans.

Grabe ang fandom ng K-pop artists at k-dramas sa Pilipinas kaya tiyak na ­maghahati-hati ang boto ng Filipino fans sa SB19 na all-Filipino members at sa tatlong Korean groups.

Ang SB19 boy group ay binubuo nina Josh, Justin, Ken, Stell at Pablo na sumailalim ng three-year ­training sa ShowBT Phillippines na sister company ng ShowBT Group in South Korea na siyang nag-training sa mga popular K-pop groups sa nasabing bansa.

Although 100% Pinoy members, ang kanilang look and moves ay very K-Pop dahil sa kanilang training.

It Girls... mas busy na sa pagiging nanay

Ngayong May 3 ay two months old na ang ­second son ng celebrity stylist na si Liz Uy sa kanyang businessman partner na si Raymond Racaza. Ang kanilang eldest son na si Xavi ay magpu-four years old na sa darating na September.

Sa magkakabarkada, bukod kay Liz, si Georgina Wilson-Burnand ay may dalawa na ring boys gayundin si Isabelle Daza-Semblat na boy din ang pangalawang baby, si Valentin na isinilang last April 21, in Hong Kong. Habang sina Anne Curtis at Solenn Heussaff ay may tig-isang anak na parehong babae.

Si Liz ay na-link noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino maging sa actor na si John Lloyd Cruz.

Ara at Dave, ‘di pa rin alam ang petsa ng kasal

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-finalize ng engaged couple na sina Ara Mina at Dave Almarinez ang kanilang wedding na mangyayari sa loob ng taong ito dahil sa pandemic dahil ang ibang attendees at part ng wedding entourage ay manggagaling pa sa ibang bansa at isa sa kanilang principal sponsors na si Ka Jun Santos ng Iglesia ni Cristo ay sumakabilang-buhay nung nakaraang April 3.

Although ayaw pang magbigay ng iba pang detalye na may kinalaman sa kanilang upcoming wedding, kinunan na sa ­Culion, ­Palawan ang kanilang pre-nup shots. Tatayong Matron of Honors ang mga kapatid ni Ara na sina Heidi at Cristine Reyes habang ang kanyang daughter na si Mandy (Amanda Gabrielle Meneses) – 6 ay tatayong Little Bride. Si Mandy ay anak ni Ara sa kanyang politician ex-boyfriend na si Patrick Meneses.

Isa rin sa mga confirmed ninang ay ang megastar na si Sharon Cuneta.

Nahaharap lamang ni Ara ang planning ng kanilang wedding ni Dave kapag naka-bakasyon siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsiyano dahil naka-lock-in ang kanilang taping. 

vuukle comment

LIZ UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with