^

Pang Movies

Sikat na senior celeb naka-quarantine, asawa may sakit!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

“Nakakulong” ngayon ang isang sikat na celebrity sa isang biniling malaking bahay!

Eh sa nasagap naming chika, may sakit daw ang kasamang asawa. Pero walang sinabi ang aming source kung nag-positive ito sa virus.

Kaya naman ang celeb, cellphone ang laging hawak para may makausap. Tingin lang siya nang tingin sa mga punong nakatanim sa bakuran ng bahay para hindi mabagot!

Senior citizen na rin siya kaya naman kahit masakit na iwan ang asawa, eh todo tiis na lang siya hanggang gumaling ang asawa.

Nora, nagbagong-anyo

Bagong anyo ang latest pictorial ng superstar na si Nora Aunor na bumulaga sa social media account ni director Adolf Alix Jr.

Fierce, panalo ang makeup at ayos ng buhok  at suot na damit ni Ate Guy! Ibang-iba ito sa mga dating ng Superstar kumpara sa past pictorials niya kaugnay ng pelikulang pinu-promote, huh!

Ang latest pictorial ni Nora ay kaugnay ng character niya sa pelikulang Kontrabida na dinirek ni Adolf.

Nasa post production na ang movie under Godfather Productions ni Joed Serrano at Ovation Productions.

Maninibago tiyak ang manonood at followers ni Ate Guy sa character niya dahil nakilala siya sa cha­racters na mahirap at api-apihan!

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with