^

Pang Movies

Mga celeb, takot nang mag-pantry!?

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mga celeb, takot nang mag-pantry!?
Angel

Allergic na raw ang ilang generous celebrities na magsagawa ng community pantry sa kanilang lugar.

Siyempre pa, ayaw nilang ma-Angel Locsin dahil baka dumagsa ang mga tao at maging spreader pa ng virus, huh!

Naku naman, isolated case lang naman ‘yung nangyari sa birthday/community pantry ni Angel. Kung may kasalanan man eh, inako naman niya ang pagkakamali sa nangyari.

Ituloy lang ang layuning makatulong sa kababayan nating nagugututom.

Basta makipag-ayos lang sa local government units o sa barangay para maging maayos ang pamimigay.

Iwasan din ng celebrity na magtatayo ng pantry na i-post sa social media accounts ang plano.

Siyempre kapag na-post, two in one ang purpose ng pagpunta sa community pantry – may pagkain na pag-uwi, personal pa nilang makikita ang namunong celebrity, huh! Eh sa panahon ngayon, kaligayahan din sa isang tao ang makakita ng paborito nilang artista na tumutulong sa kanila, huh!

G lang nang G sa pagtayo ng community pantry! Nakapagpaligaya ka na, nakatulong ka pa, huh!

Sen. Bong, special request si Allen

Naging curious daw si Senator Bong Revilla Jr. nang manalo ang premyadong aktor na si Allen Dizon nang tanghalin siyang Best Actor sa filmfest movie na Mindanao.

Kaya naman ayon sa nasagap naming chika, ipinasama ni Sen. Bong si Allen sa cast ng Kapuso series niyang Agimat ng Agila.

Isa nga si Allen sa main cast ng comeback TV project ng senador. Bukod sa Agimat ng Agila, napapanood din siya sa The First Yaya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with