^

Pang Movies

Direk Toto Natividad, namatay din sa COVID

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Direk Toto Natividad, namatay din sa COVID
Direk Toto

Isa na namang taga-industriya ang biktima ng COVID-19, ang veteran editor at action director na si Toto Natividad na nanilbihan ding Barangay Captain sa Brgy. NBBS Kaunlaran ng Navotas.

Five days ago ay nagka-severe COVID-19 si Direk Toto at agad siyang isinugod ng kanyang pamilya sa Chinese General Hospital pero hindi siya natanggap dahil punung-puno na umano ng COVID patients ang nasabing pagamutan gayundin ang ibang pagamutan ng Metro Manila. Saka nagdesisyon na dalhin siya sa Green City Medical Center ng San Fernando, Pampanga kung saan na siya binawian ng buhay.

Si Direk Toto ay nagsimula bilang isang mahusay na film editor bago siya naging director sa pelikula at nakatrabaho niya ang lahat halos ng mga kilalang action stars including Coco Martin ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Federico `Toto’ Natividad, Jr. in real life, si Direk Toto ay personal na in-acknowledge at pinasalamatan ng American Hollywood actor na si Tom Cruise sa Oscars dahil siya (Toto) ang nag-edit sa 1989 American biographical war drama movie na Born On The Fourth of July  na pinagbidahan mismo ni Tom at dinirek ni Oliver Stone and was shot in the Philippines.

Ilan sa napakaraming pelikulang idinirek ni Toto (mostly action movies) ay ang Lumuhod Ka Sa Lupa, Utol, Costales, Suspek at marami pang iba.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa iniwang pamilya ni Direk Toto.

Vice, suportado ang sexy movie ni Ion

Very supportive si Vice Ganda sa upcoming sexy-comedy movie ng kanyang boyfriend na si Ion Perez, ang Kaka na siya ring magsisilbing launching movie ng Cebuana sexy model-vlogger-turned sexy star in the making na si Sunshine Guimary.

Si Ion ay isa sa dalawang leading men ni Sunshine sa Kaka na ang isa pa ay ang boyfriend naman ni Kim Molina na si Jerald Napoles. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ni GB Sampedro na first time nagdirek ng isang sexy-movie.

Thankful si Sunshine dahil kahit kapipirma pa lamang niya sa Viva ay agad siyang pinagkatiwalaan ng isang launching movie.

Nagpapasalamat din si Sunshine sa kanyang mga co-star lalung-lalo na sina Rosanna Roces at Jerald na talagang umalalay sa kanya at nagbigay sa kanya ng advise bilang isang baguhan sa industriya. Kasama rin sa movie ang iba pang veterans na  sina Gina Pareho, Andrea del Rosario, Maui Taylor, Giselle Sanchez, Lander Vera-Perez, Sheree Bautista at iba pa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with