^

Pang Movies

Mark, gustong magka-pamilya

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi inakala ng singer at international stage actor na si Mark Bautista na magiging controversial ang kanyang kauna-unahang librong pinamagatang Beyond the Mark which he personally wrote na naglalahad ng kanyang buhay mula pagkabata sa Cagayan hanggang sa kanyang buhay ngayon.

Ayon sa 37-year-old singer-actor, painter and book author, never umano niyang naging intention na gawing controversial ang kanyang libro na kanyang sinimulang isulat in 2014 noong siya’y nasa London for almost nine months habang ginagawa niya ang kanyang kauna-unahang international musical play sa West End, ang Here Lies Love kung saan siya gumanap sa papel ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.  Ang nasabing play ay ipinalabas din sa off-Broadway in Seattle, USA in 2017 where he played the same role.

Mag-isa lamang si Mark sa London at Seattle at walang kapatid o production assistant na kasama kaya natuto siyang mamuhay independently.

“Marami akong realization nung nasa ibang bansa ako,” pag-amin ni Mark. “Kaya whenever I’m home at wala nang ginagawa, doon ko sinimulan magsulat about my journey as a kid hanggang sa aking paglaki,” patuloy niya.

Nang mabuo ang kanyang autobiography, he had it published into a book released by Viva Publishing. Pero bago pa man ito lumabas sa market commercially ay may mga soft copies nang lumabas at nag-leak sa media na nag-focus lamang sa isang chapter ng libro. Ito’y pinag-usapan at naging controversial na inakala pa niya na ito na ang magiging katapusan ng kanyang career.

Dahil sa kontrobersiya, marami umanong nagtaasan ng kilay sa kanya at marami siyang mga kaibigan at kakilala ang umiwas sa kanya. Pero lumipas din ang matinding kontrobersiya na dumating sa kanya at unti-unti umasiyang `naka-recover’ at bumalik ang kanyang confidence sa kanyang sarili maging sa kanyang career.

Ayon kay Mark, hindi umano niya pinagsisihan nag paglabas ng kanyang libro. On the contrary, he’s proud of his book na maaari pa umanong magkaroon ng kasunod.

Inamin din ni Mark na plano umano niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya at mag-settle back sa kanyang hometown sa Cagayan de Leon balang araw.

Since nag-slow down ang concerts here and abroad, pinagkaabalahan ni Mark ang pagpi-paint at paggawa ng scented candles at home.

Buboy walang isyu sa nanay ng mga anak

Alam mo, Salve A., maraming celebrities na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ang naging creative by doing other things na hindi nila ginagawa noon at kasama na rito ang pagnenegosyo online habang ang iba ay bumaling sa pagiging vlogger or YouTuber.  At hindi naiiba sa kanila ang dating child star, ang singer-actor at successful YouTuber na si Buboy Villar (Robert Villar Jr.) na may pinanghahawakan nang dalawang plake mula sa YouTube, ang YouTube Silver at Gold Play Button Plaque dahil meron na siyang 1.39-M subs sa kasalukuyan.

Ayon sa binatang ama (of two kids), malaki ang naitulong ng kanyang pagiging blogger sa kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya dahil dito nanggaling ang kanyang ipinangsuporta sa kanyang pamilya (his parents) at dalawa niyang anak na sina Vlanz at George.

Sa aming exclusive interview kay Buboy ay inamin nito na mahigit dalawang taon na umano silang hiwalay ng kanyang American girlfriend na si Angilyn Gorens na bumalik na ng Amerika.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with