^

Pang Movies

Derek, inaming siya ang umayaw kay Andrea

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Derek, inaming siya ang umayaw kay Andrea
Andrea at Derek

Sa interview naman ni Derek Ramsay sa programang Cristy Ferminute hosted by Nay Cristy Fermin, inamin ng aktor na siya talaga ang unang nakipagkalas kay Andrea Torres at sa telepono lang ito nangyari. “’Yung sa amin ni Andrea, it was actually ako ‘yung… may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship…”  simula ni Derek.

Magkaiba raw ang naging views and values nila sa problemang ‘yun. “Hindi mali ‘yung values niya, hindi mali ‘yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki. Hindi ko na aatakehin ‘yun, hindi ko siya babaguhin, hindi niya ako babaguhin.

“So I told her, ‘I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter. So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo, babalikan natin ‘to, kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan,” lahad ni Derek.

Pumayag naman daw si Andrea although the sad part of it ay sa phone lang daw sila nag-usap at hindi sa personal. “’Yun lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone. Actually, dapat magkikita kami noon. Ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect. Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed to it also,” kwento ng aktor.

Sa nasabing panayam ay inilarawan din ni Derek kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng fiancee na si Ellen Adarna. “Hindi ko yata kayang ma-express into words pero kita n’yo naman sa mga actions ko, sa mata ko, I’ve never been this happy in my life,” he said.

Gerald, ‘di alam kung gaano kasaya kay Julia

Sa huling panayam ni Gerald Anderson, sinabi ng aktor na hindi niya maipaliwanag ang naibibigay na happiness sa kanya ng girlfriend na si Julia Barretto.

“Ibang joy and ibang inspiration, hindi ko din ma-explain, eh. Parang nabibigyan ako ng panibagong motivation, ‘di ko alam kung kasama na din edad ko kasi 32 na ako,” pahayag ni Gerald sa panayam niya sa I Feel U episode na inilabas ng ABS-CBN News. Dagdag pa ng aktor, “Talagang alam kong nandiyan siya lagi on my side. So, parang kung ano ‘yung binibigay niya sa ‘kin, gusto ko i-time stamp pa ‘yun. Kung barko ako, siya nagbibigay ng power and fuel para tumuloy dito sa buhay.”

Hindi naman kaila sa lahat na before Julia ay dumaan na rin sa ilang failed relationships si Gerald. Pero sa kabila raw nito ay nananatili pa rin ang respeto niya sa kanyang mga nakarelasyon.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with