^

Pang Movies

Yam at Gerald trending na agad!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na kinagiliwan ng manonood ang mga karakter nina Yam Concepcion at Gerald Anderson na parehas na nagpapakatatag sa laban ng buhay sa bagong serye ng ABS-CBN Entertainment na Init Sa Magdamag.

Puring-puri sila sa madiskarteng si Rita (Yam), na kahit hirap sa buhay ay nakakahanap pa rin ng paraan para matupad ang pangarap. Hindi nagpakita ng pagiging makasarili si Rita nang unahin pa niyang padalhan ng pera ang kapatid na si Khyle (Mark Oblea) na nakabuntis kaysa magbayad ng tuition fee niya.   

Sa kabilang banda, nakita naman ng viewers ang pagsisikap ni Tupe (Gerald) na kahit pasaway sa tingin ng lahat ay pursigidong maging isang doctor. 

Sa dami ng papuri sa serye online, agad na nagtrending ang #InitNgUnangGabi nationwide.  

Samantala, sabik na rin ang netizens mapanood si JM de Guzman bilang si Peterson.

Iprinodyus ng Star Creatives, ang Init Sa Magdamag sa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo. 

Mapapanood ito gabi-gabi, 9:20 sa TV5 at A2Z.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with