Dream house nina Camille at VJ, patapos na
Nasa finishing stages na ang pinatayong bahay ni Camille Prats at mister na si VJ Yambao.
Naglakas loob na magpatayo ng bahay ang mag-asawa noong kalagitnaan ng pandemya last year.
Malaking challenge daw sa kanilang dalawa ang pagkakaroon ng lockdown at quarantine. Minsan na nilang naisip na baka hindi matapos agad and dream house nila.
Pero sa post ni Camille sa Instagram, unti-unti nang natatapos ang dream house nila. “FINISHING stage = the most exciting and nakakanerbyos part that tests your EQ. Haaaay, the anticipation of finally moving in. Kailan kaya? All in God’s perfect time,” caption ni Camille.
Sa photo ay three story house ang pinatayo nila. Tiyak na may kanya-kanyang bedrooms ang kanilang mga anak sa laki ng bahay.
Jlo, sumaya sa hiwalayan nila ni Alex
Feeling at peace daw ngayon si Jennifer Lopez after ng break-up announcement nila ni Alex Rodriguez.
Ayon sa isang source: “Jennifer has not been happy for awhile now. She feels good about her decision because she knows A-Rod will still be in her life, just in a different capacity.”
Very cordial naman daw ang dalawa sa isa’t isa. Kasalukuyang nakatira si Jennifer sa kanyang bahay sa Los Angeles after ng breakup nila ni Alex.
Ginawa raw ni Alex ang lahat para maging happy ulit si Jennifer sa relasyon nila. Pero unang bumitiw daw si Jennifer at ito ang nag-initiate na i-end na nila ang engagement nila.
- Latest