^

Pang Movies

Mga ayudang natatanggap, parang ang laking biyaya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

‘Pag iisipin mo na ‘yung ayuda na ibinibigay ngayon ng gobyerno na P1K each sa bawat member ng isang pamilya na affected ng pandemic, parang ang liit at walang worth. Pero ‘pag nakita mo ‘yung tuwa at saya ng bawat isa na tumatanggap nito, talagang sasaya ka rin.

Nakita ko ang pila ng tao sa barangay namin nang magbigay ng ayuda, maa­yos naman at hindi magulo, at parang ang saya-saya ng bawat tao na tinatawag at binibigyan.

Totoo pala ‘yung sinasabi na ‘pag wala lang pera, feeling isang milyon ang piso.

 Lagi na lang may pintas tayo sa gobyerno, lagi na lang sinasabi bakit doon ganito at ganun, lagi nating kino-compare ang Pilipinas sa ibang bansa. Pero alam mo ba na kahit na anong sabihin sa bansa natin, ito pa rin ang atin. Ok, mas masarap buhay nila, mas magaan at sinasabing mas mabuti ang leaders, pero saan ba tayo nakatira, dito pa rin sa Pilipinas.

So, kung ano ang nandito, kung ano ang nasa atin, iyon ang tanggapin natin. Puri tayo nang puri sa iba, bakit andito pa rin tayo? Dahil dito tayo isinilang at siguro dito rin tayo mamatay. So tanggapin na lang natin kung ano ang nasa atin, maluwag nating mahalin ang meron tayo.

Reply 1988, doble ang haplos sa dibdib

Noong una kong mapanood ang Korean drama na Reply 1988, ‘yung young romance at throwback sa neighbors ang una kong nagustuhan. Parang nagbalik ang kabataan ko, naaalala ko ang mga ginawa ko sa high school, ‘yung mga kapitbahay  at ‘yung ties that bind sa isang maliit na community.

Talagang happy pill at good vibes serye ang Reply 1988. Pero sa second watching ko, doon ako tinamaan sa dramatic parts. ‘Yung pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ‘yung pagmamahal ng mga anak sa kanilang parents.

Umiyak ako sa mga eksena ng mga nanay at tatay. At ‘yung iba-ibang ugali ng mga anak. Merong anak na hindi showy sa pagpapakita ng emosyon, merong anak na very clingy at merong may facade na akala mo hindi affected pero deep down mahal na mahal niya ang mga magulang niya. Grabe pala ang emotional scenes at dating ng dialogues sa serye na ito, bongga siya.

Touching ang very romantic young loves na experiences mo na totoo namang nangyayari sa buhay, pero mas doble ang haplos sa dibdib ng mga eksena at dialogues ng mga magulang.

‘Yung ang ganda ng storytelling, ‘yung kahit ulitin mo ang panonood, mas makikita mo pa ang ibang dating nito sa puso at utak mo.

‘Yung dalawang beses mo napanood pero hindi ka nagsawa, mas lalo ka pa na-engrossed. Iyon ang magic ng isang magandang  serye, timeless, ulitin mo man, mas magugustuhan mo pa.

Bongga siya, watch n’yo Reply 1988, parang nagbalik-bata ka, at bigla mong mami-miss ang family mo, lalo na ang parents mo. Bow ako sa istorya.

vuukle comment

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with