^

Pang Movies

Serye nina Julie Anne at David, inilipat na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Serye nina Julie Anne at David, inilipat na
Julie Anne

Biglang na-excite at labis na nagpasalamat ang fans and followers ng bagong Kapuso love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco, sa unang pagtatambal nila sa romantic-drama series na Heartful Cafe. Dapat ay first week of April pa ito napanood sa GTV, pero na-postpone. Ang magandang balita ngayon tuloy na ang airing ng serye sa April 26, at hindi na ito sa GTV mapapanood kundi sa GMA 7 na, after ng First Yaya. Sila ang ipapalit sa episode ng drama series na I Can See You: The Lookout, na magtatapos on Friday, April 23.

Gagampanan ni Julie Anne ang role ni Heart Fulgencio, cafe owner ng Heartful Cafe at online romance novelist.  Makakasama ni Julie Anne sina EA Guzman, as Uno Ynares, unang boyfriend niyang nang-iwan sa kanya pero ngayon ay nagbabalik. Matatagpuan naman ni Heart ang new love kay Ace Nobleza (David).

Kasama pa rin sa cast sina Ayra Ma­riano, Victor Anastacio, new Kapuso stars Zonia Mejia at Jamir Zabarte. May world premiere ang Heartful Café sa April 26 sa GMA Telebabad at sa Heart of Asia.

Zia, manang-mana sa ina ang dance moves

Umani ng libu-libong views ang Instagram post ng @dysuperfan nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Ziggy Dantes na nagpapakita kay Zia sa ‘da moves’ nito habang nagsasayaw na gayang-gaya ang ina. Ang caption nito: “Ate Z definitely got the moves.  She got it from her Mama and Dada #ManamanaLangYan”

Kung namana ni Zia ang husay sa pagsayaw ng ina, si Marian naman ay ‘kakambal’ daw naman niya si Ziggy sa kanyang IG caption na ‘captured moment with my twin’ habang karga ang anak nang mag-celebrate ito ng second birthday last April 16.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with