^

Pang Movies

Sunshine nega na, planong mag donate ng dugo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine nega na, planong mag donate ng dugo
Sunshine

Agad na nag-post si Sunshine Cruz ng kanyang picture matapos lumabas ang confirmatory test na siya nga ay negative na sa COVID-19. Hindi basta na-test ka at negative sa virus ay ok na, kailangan pa ang confirmatory test para malaman na safe na ngang makihalubilo kang muli sa ibang mga tao. Confirmed na ngang ok na si Sunshine kaya naman tuwang-tuwa siya.

Mapapansin naman sa kanyang picture na nabawasan ng timbang si Sunshine, pero sinasabi nga ng iba “ang ganda pa rin naman niya kahit galing sa sakit”. Iyong kanyang self quarantine na inaasahan niyang fourteen days lamang ay tumagal ng 21 days. Inaamin naman niyang noong wala na siyang nararamdamang mga symptom at ang akala niya ay magaling na siya, lumabas na hindi pa pala. Kaya nag-advise rin daw ang kanyang doctor na tapusin na ang 21 days, dahil iyan ang sinasabi ngang pinaka-mahabang maaaring itagal ng coronavirus. Basta hindi nakalipat ang virus within 21 days, patay na rin siya.

 Ganoon pa man, hindi naman nagmamadali si Sunshine na bumalik sa pagta-trabaho kahit na puwede na, kasi ang feeling daw niya wala pa siya sa top form para magtrabahong muli. Wala rin namang dahilan para siya magmadali. Masaya siya dahil makaka-bonding na niyang muli ang tatlong anak niya na tatlong linggo nga niyang na-miss kahit na nasa iisang bahay sila dahil naka-isolate nga siya.

Sabi nga ni Shine, magpapalakas lang daw siya ng katawang muli at ang iniisip niya ay mag-donate ng dugo para magamit sa plasma convalescent therapy kung may mga kakilala o kaibigang magkakasakit din ng Covid, dahil iyon ang sinasabing isa sa pinaka-epektibong panlaban sa virus.

Nagpapasalamat din si Sunshine sa mga kaanak at mga kaibigang nagpapadala sa kanya ng kung anu-anong pagkain, para siya mapilitang kumain kahit na walang panlasa, dahil ang kawalan ng ganang kumain ang isa sa nagpapalala ng COVID.

Pero ang higit sa lahat daw ang mga kaanak at kaibigang nagdasal para sa kanyang mabilisang pag-galing dahil ang paniwala niya, kung hindi dahil doon baka nga raw may sakit pa rin siya hanggang ngayon.

Alice, nagpaliwanag sa biyahe

Nagtanong lang naman minsan si Alice Dixson kung available na nga ba ang bakuna ng Pfizer sa Pilipinas dahil ang nauna raw ibinigay sa kanyang shot ay Pfizer at hindi naman recommended na pasaksak ka ng ibang klaseng bakuna para sa second dose.

Nabanggit lang naman ni Alice iyon, dahil may balak nga raw siyang umuwi sa Pilipinas.

Pero bigla siyang tinalakan ng isang netizen na hindi rin naman niya kilala na nagsabing kaya raw kumakalat ang COVID dahil sa mga taong kagaya niya na ganito na nga ang sitwasyon biyahe pa nang biyahe.

Mukhang napikon din si Alice at sinagot niya iyon, at sinabi niyang kaya siya bumibiyahe dahil kailangan at hindi dahil naisipan o gusto lamang niya. Sinabi rin niyang kung bumiyahe man siya, responsable siya at sumusunod sa lahat ng safety protocols.
Tapos pinayuhan niya ang basher na ang intindihin ay ang buhay niya at hindi iyong nakikialam siya sa buhay nang may buhay. Tama naman.

Chinese media, matagal nang nasa Ph 

Kinansela ng ABS-CBN ang dalawang araw nilang Chinese newscast nang umani iyon ng maraming batikos mula sa mga netizen. Kasi galit daw ang mga tao sa Chinese invasion sa West Philippine Sea.

Eh ano naman ang kinalaman noon sa paghahatid lamang ng balita?

Wala pa man ang mga barko ng China at mga Pogo sa Pilipinas, marami nang Tsino sa bansa. Iyang mga Tsino, una pang nakarating sa Pilipinas at nakipagkalakalan sa mga Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, may ginampanang mahalagang role ang local Chinese media. Kabilang sila sa lumaban sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong world war II sa pangunguna ng peryodistang si Go Puan Seng na siyang naglalathala rin noon ng Fookien Times.

Iyang Chinese media, ay kinikilalang kasama ng mga peryodista natin kaya noon pa man, bahagi na sila ng National Press Club.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with