^

Pang Movies

Joey nagpakitang buhay at ‘di inatake!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Joey nagpakitang buhay at �di inatake!
Joey

Si Joey Marquez ang latest celebrity na biktima ng fake news na diumano’y namatay dahil sa heart attack. Pinost sa isang Facebook page  na namatay daw si Joey dahil nga inatake. Nakasulat sa balita ang “Paalam! Joselito Perez Marquez a.k.a “Joey Marquez” 1957-2021.”

Idinawit pa ng fake news ang 24 Oras na source raw ng kanyang balita. Ang nakakaloka, kahit alam na fake news, marami pa rin ang nag-post sa comment section at ipinaabot ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng 60 years old na si Joey.

Agad dinenay ng pamilya ni Joey ang balita at ang GF nga nitong si Malu Quintana, nag-post ng short clip sa kanyang FB na kung saan, sinabi ni Joey na “I’m still alive and kicking.”

Kinorek pa nga ni Joey ang nakasulat sa post na kanyang edad dahil nakasulat na 65 years old na siya, “Correction, I’m not 65 years old” at saka tumawa.

Sharon, naka-relate sa baby bashing

Ni-repost ni Sharon Cuneta sa Instagram account niya ang statement ng Star Magic laban sa pamba-bash sa social media ng mga anak ng Star Magic artists. Ang latest na biktima ay ang mga anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi at anak nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Hindi nag-comment si Sharon, basta ni-repost lang ang statement ng Star Magic at nakaka-relate siya rito dahil madalas ma-bash ang mga anak niyang sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan. Lalo na si Frankie na madalas sugurin ng bashers sa Twitter.

Kahit walang comment si Sharon, may mga nag-react pa rin at tinanong si Sharon kung bakit naba-bash ang mga anak ng celebrity? Tanong pa ng netizen, ang mga celebrity lang ba ang kailangan mag-bash dahil ‘pag binalikan sila, nagagalit at magdedemanda? Good thing na hindi na sinagot ni Sharon ang mga nag-react dahil hahaba pa ang usapan at baka kung saan makarating.

Anyway, kahit may sakit noong Thursday, natuloy pa ring umupong judge si Sharon sa taping ng Your Face Sounds Familiar via Zoom nga lang dahil hindi siya nakapag-report sa studio ng ABS-CBN. Kinailangan daw niyang gumamit ng facetune dahil mukha siyang may sakit.

Elijah, na-awkward kay Christopher

Anak ni Christopher de Leon ang role at karakter ni Elijah Alejo sa I Can See You: The Lookout na magsisimula ang airing sa Monday (April 19-23). Siya si Christine Penuliar, isang mabait at sweet na anak at kapatid, opposite sa karakter niya sa Prima Donnas na siya na rin ang nagsabing salbaheng-salbahe.

Malaking adjustment kay Elijah na mula sa salbaheng kontrabida, mabait ang ginampanan niyang role sa The Lookout.  “Inalis ko muna sa sistema ko si Brianna (name of her character in Prima Donnas) at nag-focus muna ako kay Christine.

Kailangan kong galingan dito sa “The Lookout” dahil great actors din ang nakatrabaho ko,” wika ni Elijah.

Aminado si Elijah na kinabahan siya sa first day taping niya, lalo na sa mga eksena nila ni Christopher na ngayon lang niya nakatrabaho at tatay pa niya ang role. Super awkward daw siya na lumapit kay Christopher para mag-hi sa vlog niya. Pinalakas lang ni Marina Benipayo ang loob niya, kaya nasa vlog niya ang aktor na nagha-hi sa kanyang subscribers sa vlog.

vuukle comment

JOEY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with