^

Pang Movies

Gerald at Julia, parang live in na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gerald at Julia, parang live in na!
Gerald at Julia

Magmula nang aminin ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda noong nakaraang buwan ay naging bukas na ang dalawa sa publiko na mahigit isang taon din nilang naitago.

It was in mid-2019 nang sumabog ang balitang nagkakamabutihan na umano sina Gerald at Julia at the time na karelasyon pa noon ng aktor si Bea Alonzo. Sina Gerald at Julia ay nagkalapit sa isa’t isa habang ginagawa nila ang pelikulang Between Maybes na dinirek ni Jason Paul Lacsamana under Star Cinema na ipinalabas noong May 2019.

There were several sightings na magkasama sina Gerald at Julia pero walang kumpirmasyon na nagmula sa dalawa tungkol sa kanilang totoong relasyon.

Of course, alam ng marami na naging controversial ang nangyaring breakup nina Gerald at Bea gayundin ang relasyon nina Gerald at Julia.

Ang pakiramdam ni Gerald ay para umano siyang nabunutan ng tinik nang kanyang aminin ang relasyon nila ni Julia.

Magkasunod lamang ang birthday nina Gerald (March 7) at Julia (March 10) na pareho nilang idinaos sa beach resort ni Gerald sa Botolan, Zambales kasama ang pamilya ni Julia. Dumalo naman si Gerald sa birthday ng only brother ng kasintahan na si Leon. Magkasama rin ang dalawa na nag-celebrate ng Easter Sunday last April 4 kasama ang celebrity doctor couple na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.  Kamakailan lamang ay magkasama rin ang magkasintahan na nag-fishing.

Although suki pa rin sina Gerald at Julia sa bashing, hindi na nila ito iniintindi dahil ang mahalaga umano ay silang dalawa  at ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Gerald is 32 at 24 naman si Julia.

Si Julia na nga kaya ang `the one’ kay Gerald after his failed relationships with Kim Chiu, Maja Salvador and Bea Alonzo?

Nanay ni Jean, sa caregiver nahawa

Masayang ibinalita ng panganay na anak ni dating President Joseph `Erap’ Estrada na si da­ting Sen. Jinggoy Estrada na bumubuti na ang lagay ng kanyang ama na tinamaan ng COVID-19 noong nakaraang March 29.

Nagnegatibo na ito sa kanyang latest RT-PCR test (swab test) at nasa regular room na.

Samantala, kung noong isang taon ay naging COVID-19 survivors sina Christopher de Leon, Iza Calzado, Michael V., Sen. Bong Revilla, his daughter Inah Revilla and her family, Lovely Abella, Allan K, Wally Bayola, ang singer-preacher na si Ray-An Fuentes at isa sa kanyang anak, Donita Nose at iba pa, nitong mga nakaraang  four months ay marami na rin ang gumaling sa dreaded disease at kasama na rito sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Angeline Quinto, Cherrie Pie Picache, Heaven Peralejo, ang mag-asawang Nikki Valdez at Luis Garcia habang nasa pagamutan pa ngayon at nagpapagaling ang singer-actress-politician na si Angelica Jones, her son na si Angelo at ang kanyang inang si Beth na kasalukuyang nasa ICU.  Naka-isolate at nagpapagaling din ngayon si Sunshine Cruz na nakaranas ng sintomas NG COVID-19.

Hindi rin makalimutan ng singer-actress na si Jean Garcia ang naging karanasan ng kanyang namayapang inang si Sandra na binawian ng buhay noong nakaraang March 30 dahil sa COVID-19 at kumplikasyon ng kanyang sakit sa puso.

Ayon kay Jean, wala siyang idea na nagpositibo sa coronavirus ang kanyang ina dahil sobrang ingat umano sila sa loob ng kanilang bahay. Pero nakuha umano ito ng kanyang ina sa kanyang caregiver na lumabas ng bahay para bumili ng gamot at nag-grocery na nagpositibo sa swab test. Ang masaklap, sumubok umano sila ng mahigit sampung hospitals bago natanggap ang mommy ni Jean sa ER ng Cardinal Santos Hospital in San Juan. Nanatili umano ng tatlong araw sa ER ang ina ni Jean bago ito nailipat sa isang pribadong kuwarto. Inakala ng mga doctor na gagaling na ito sa COVID-19 pero nagkaroon naman ng kumplikasyon dahil sa sakit nito sa puso na siyang ikinamatay nito.

Ang mommy ni Jean ay may history na rin ng stroke twice in the past.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with