^

Pang Movies

Sunshine, walang alam kung saan nahawa ng virus

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, walang alam kung saan nahawa ng virus
Sunshine

Mabilis ang recovery ni Sunshine Cruz mula sa naramdaman niyang mga sintomas ng COVID-19. Hindi na nagpaospital si Sunshine dahil puno na nga ang mga ospital, at hindi naman masasabing bibigyan siya ng priority kagaya ng iba na pagdating sa ospital ay may kuwarto agad.

Bukod doon, nasabihan na nga siya na kung minsan mas lumalala pa ang sitwasyon kung mapapasama ka sa may malubhang symptoms, kaya pinayuhan siya ng home isolation.

Marami naman ang gumagawa niyan at talagang ipinapayo nga ngayon dahil sa kakulangan natin ng ospital at mga isolation centers. Basta may sarili kang room sa bahay, na may sarili ring CR ibig sabihin ay hindi mo kailangang lumabas ng kuwarto, ok na iyon, lalo na nga at hindi naman malubha ang symptoms.

Kailangan lang dalhin sa ospital kung bumababa ang oxygen level. Pero may pagkakataon na ang pasyente ay nilalagyan na lang din ng oxygen kahit na sa bahay na lang.

Ang latest kay Sunshine, nagbalik na raw naman ang kanyang pang-amoy at panlasa. Wala na rin naman siyang lagnat. May kaunting ubo pero hindi na gaya ng dati. Naniniwala siya na ilang araw na lang, at kung makumpleto na niya ang prescribed isolation period, maaari na siyang lumabas.

Ang sinasabi niyang advantage, hindi man niya nakikita ang kanyang mga anak sa ngayon, nakakausap naman niya ang mga iyon sa phone maging ang ibang taong kailangan niyang kausapin.

At least may social media kaya alam rin niya ang nangyayari sa kanyang mga kaibigan. At dahil sa bahay nga ang isolation, hindi siya nakaranas ng anxiety o depression na karaniwang nadarama ng mga nasa ospital na hindi naman madalaw ng kahit na sino.

Hindi rin matiyak ni Sunshine kung saan siya nahawa, kaya nga lahat ng mga kasama niya sa bahay ay monitored talaga ang kalagayan sa ngayon, pero para sa kanya nga hindi masyadong mahirap dahil mild case lang naman ang tumama sa kanya.

Alessandra, ayaw pa ring magtrabaho

Karapatan naman ng isang artista na tumangging tumanggap ng trabaho sa panahong ito dahil talagang nakakatakot ang sitwasyon ng COVID, kung totoo ngang lahat ang nababalitaan natin. Kasi may bakuna nga at sinasabi ng mga opisyal gobyerno na hindi naman mga doctor na safe at mabisa iyon. Pero may mga epidemiologist mula sa China mismo na nagsabing kailangan pang i-improve ang kanilang bakuna.

Dito sa atin, sinasabi ng epidemiologists na ni hindi pa nagsisimula ang clinical trials ng Sinovac dito, dahil hinihintay pa natin ang ilalabas na modified protocol mula sa China mismo. Kaya kung iisipin, “bakuna-bakunahan” pa lang ang nangyayari ngayon.

Iyan ang dahilan kung bakit sa kabila ng offers kay Alessandra de Rossi, ayaw niyang tumanggap ng trabaho, kasi natatakot siya sa walang kasiguruhang maaa­ring mangyari kung mahawa siya ng COVID, at madadamay pati ang pamilya niya. Hanggang wala nga namang maliwanag kung ano ang magagawa kung sakaling madale ka ng COVID aba eh mas mabuting huwag na lang muna. After all, wala kang maaasahang magbibigay sa iyo ng proteksiyon ngayon maliban sa iyong sarili at ang Diyos.

Bading na movie writer, memoryado ang nakaraan sa poging aktor-aktoran

Totoo nga ang tsismis, una raw nakita at nakilala ng isang gay movie reporter ang isang male star noon sa isang third run theater na istambayan din ng mga bakla, at mga bagets na lalaking sa kaunting barya ay pumapatol sa mga bading doon mismo sa loob ng sinehan. Dahil talaga naman daw pogi kahit na noon, pinipilahan ng mga bading ang male star, at dahil in demand nga, siya ang pinakamataas ang presyo doon na “fifty pesos.” Iyong iba raw kasi doon mga “kinse” o “bente” pesos lang ay payag na.

Matagal nang kuwento iyan pero ayaw magsalita ng gay movie writer tungkol sa mga bagay na iyan, pero aywan kung bakit ngayon ay nabubuksan na naman ang issue. Nakahanda na rin daw ang movie writer na aminin ang lahat.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with